Mikael-Megan vs Rodjun-Diane vs Troy-Aubrey sa ‘Celebrity Bluff’
ANUMAN
ang emote ninyo ngayong love month, mapa-table for one or one table for two ka man, may love life o wala, may nagmamahal or taken (for granted), hindi ninyo mapipigilang tumawa at sumaya sa best Saturday night viewing ng bayan, ang nag-iisang all original na, most awarded comedy game show pa sa balat ng Philipine television.
Mas pinatindi at pinakuwela ngayong Sabado ang Celebrity Bluff. Dalawang options lang, fact or bluff! Tatlong taga-Lito Authorities versus tatlong pares ng real life sweethearts ang magtatapatan sa pagsagot sa limang petmalung tanong sa round one all the way to word war! Matiramatibay, last tandem standing patawid ng makapanaw-ulirat sa kaba na jackpot round – Tough 10!
Alam na alam na siyempre ng mga manonood kung sino ang tropang pasimuno sa napipintong riot weekend at dahil Valentine’s Day is just around the corner, ayaw nilang magpula! Sila ang Team Pulahan -- game host Eugene
“Uge” Domingo, Master Tisoy Bluffer Edu Manzano, Pambansang Alien Isko
“Brod Pete” Salvador at Boobay a.k.a. Chun Li Lito kasama ang ‘di maawat na si Baby Boobsie. Walang halong bluff! Langgam na lang ang kulang sa pagmamatamisang magaganap ngayong pre- Heart’s Day episode. It’s Team Lakwatsa Lovers Mikael
Daez & Megan Young versus Team Getting Married Soon Rodjun Cruz & Dianne Medina versus Team Mr.& Mrs.Fit and Fab
Troy Montero & Aubrey Miles. Bakit may patinikling at pa-tap out sa gitna ng laban? Because we can! Yes, bungad pa lang ng laro may nanalo na, hindi player kundi bluffer. Kaya huwag palampasin and pinakamasaya na yatang pusta ni Boobay sa kanyang Celebrity Bluff history ngayong Sabado ng gabi.