Balita

Michael Jackson stole a lot of songs –Quincy Jones

-

SINABI ni Quincy Jones, ang legendary music producer sa likod ni Michael

Jackson, na kinopya ng namayapang King of Pop ang ilan sa mga sumikat na awitin nito.

“I hate to get into this publicly, but Michael stole a lot of stuff. He stole a lot of songs,” sabi ni Jones sa panayam na puno ng eyebrow-raising comments na inilathala nitong Martes ng Vulture, ang culture site ng New York magazine.

“The notes don’t lie, man. He was as Machiavell­ian as they come,” wika ng 84anyos na music veteran. Partikular niyang tinukoy ang Billie Jean – ang signature song mula sa Jonesprodu­ced na Thriller, ang top-selling album of all times.

Binanggit ni Jones ang mga pagkakahaw­ig g ng kanta sa State of Independen­ce ng disco queen na Donna Summer, na prinodyus odyus din ni Jones at ilang buwan na naunang g inilabas noong 1982.

Sinabi rin ni Jones na si Michael ay “greedy” at dapat na binigyan ng partial writing credit ang keyboardis­t na si Greg Phillingan­es sa kanyang awiting Don’t Stop ‘ Til You Get Enough.

Ang mga alegasyon ni Jones ay taliwas sa pananaw ng publiko kay Michael, namatay noong 2009 at itinuturin­g na tortured soul na hindi alam kung paano hahawakan ang hinahakot na salapi.

Nagpahayag ng simpatiya ang producer sa personal issues ni Michael, sinabing binanggit niya sa singer ang kanyang pangamba sa plastic surgery at isinisi ang pang-aabuso ng ama ng King of Pop sa poor self-image nito.

Nananatili­ng aktibo si Jones bilang octogenari­an, kamakailan ay naglunsad ng Qwest TV video streaming service para sa jazz, ngunit naging laman din ng mga balita sa kanyang mga komento na tadtad ng pagmumura. Sa panayam kamakailan sa GQ magazine, sinabi niya na mayroon siyang 22 girlfriend­s around the world, nagsasalit­a ng 26 lengguwahe at sumailalim sa cuttingedg­e treatment sa Sweden na makatutulo­ng para maabot niya ang ns edad na 110.

 ??  ?? Quincy
Quincy
 ??  ?? Michael
Michael

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines