Geri Horner, ‘di pa rin makapaniwala na totoo na ang Spice Girls reunion
SUMUKO na ang Spice Girls star na si Geri Horner sa reunion ng banda nang hindi matuloy ang anniversary tour nila noong 2016. Ang singer, na nakilala ring Ginger
Spice, ang naging punong abala sa top secret get together ng grupo sa kanyang bahay sa England nitong nakaraang linggo, na iniulat na simula ng pagpaplano niya at ng kanyang bandmates ng tour at iba pang business ventures kasama ang kanilang manager noon na si Simon Fuller.
Hindi pa rin makapaniwala si Fuller na naorganisa niya at natuloy ang shock reunion, halos anim na taon simula nang huling magsama-sama ang Spice Girls sa closing ceremony ng 2012 Olympics sa London.
Sinabi ni Geri sa The Sun na pakiramdam niya ay naglaho na ang lahat ng pag- asa nang hindi matuloy ang kanilang tour upang ipagdiwang ang 20th anniversary ng paglabas ng Wannabe, ang breakout ng grupo.
“We all pushed for it, like, ‘Come on, let’s try and make it happen’. It didn’t,” aniya sa tabloid. “You get to a point where you go, ‘Do you know what, just let it go...’ And I was having a baby. I’d really sort of let it go.”
Bumalik si Geri sa kanyang karera bilang British TV personality, ngunit ang lahat ng kanyang pag-iisip ngayon ay nakatuon sa Spice Girls: “When it finally came together the other day, we all came and sat around and went, ‘Maybe we should do something’. And we all agreed.
“It was really nice to reflect on the past. Then we looked at the new generation as well and thought, ‘We should think about them. That’s important to us’.”
A t bagamat siya ang naunang umalis sa banda noong late 1990s, iginiit ni Geri na hindi niya nakasamaan ng loob ang kanyang bandmates: “Regardless of whether we were in a band singing together, I still want to know that they’re happy and well and support them individually or collectively. I really do care about them.
“We’ve had so many amazing memories. Whatever we decide to do, however it unfolds, it will be something joyful and very connective.”
Ayon sa mga ulat, malapit nang maisapinal ng Spice Girls ang mga detalye ng tour sa Britain at America, na magsisimula sa katapusan ng summer.