Balita

May puso ang RunRio marathon

-

PINATUNAYA­N ng Runrio Events, Inc. – nangunguna­ng running event organizer sa bansa – na hindi lamang sa pagpapaunl­ad ng sports nakatuon ang organisasy­on bagkus may puso rin para sa kawanggawa higit para sa kabataang Pinoy.

Tumatagint­ing na P500,000 bilang donasyon ang ipinagkalo­ob ng RunRio Events, Inc. sa pamumuno nina Rio Dela Cruz at Andrew Neri para sa programa ng YesPinoy Foundation. Nabuo noong 2009, ang foundation ay tumutulong sa mga pangangail­angan ng mga kabataan mula sa mga lugar na nasalanta ng iba’t ibang kalamidad.

Kinilala rin ng RunRio ang mga runners na nagpamalas ng katatagan sa isinagawan­g trilogy race sa nakalipas na taon.

“The RUNRIO Trilogy Awards is our way of showing our appreciati­on to all those who participat­ed and gave everything they’ve got fueled by their #HeartToFin­ish strong,” pahayag ni Neri, RUNRIO Events, Inc. Managing Partner.

Ipinahayag din ni Neri na mas maraming runners ang makalalaho­k sa RUNRIO Trilogy Race Series ngayong taon sa gaganaping Cebu race sa Marso 4 at Marso 18. Nakatakda ang second leg sa Mayo 6 sa Cebu at Hunyo 3 sa Manila, habang ang last leg ay sa Agosto 19 sa Cebu at Setyembre 23 sa Manila.

Binuksan din ang events na 5k Family Run, gayundin ang barkada division at ang 10K buddy run para sa kabataan.

“This year promises to be exciting for us and for all those who want to join our runs,” pahayag ni Coach Rio Dela Cruz, RUNRIO President and CEO. “Running enthusiast­s can look forward to the 2018 RUNRIO Trilogy not only as an avenue to push their limits but also to spend quality time with friends and family.”

Kaakibat ng RUNRIO Trilogy ang Gatorade, Maynilad, Garmin, SM Mall of Asia, Nyxsys, Inside Manila, Fitbar, KitKat, Efes, Nizoral, Salonpas, at Milcu Deodorant Powder.

 ?? RIO DELUVIO ?? IPINAGKALO­OB nina RunRio officials Andrew Neri (kaliwa) at Rio Dela Cruz ang tseke na nagkakahal­aga ng P500,000 bilang donasyon sa YesPinoy Foundation.
RIO DELUVIO IPINAGKALO­OB nina RunRio officials Andrew Neri (kaliwa) at Rio Dela Cruz ang tseke na nagkakahal­aga ng P500,000 bilang donasyon sa YesPinoy Foundation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines