Balita

PSC, tutok sa grassroots at Olympic sports

-

HINDI titigil ang Philippine Sports Commission ( PSC) sa pagsuporta sa atletang Pinoy para sa katuparan nang matagal nang inaasam ng sambayanan – ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympic.

Magkagayun­man, iginiit ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na responsibi­lidad pa rin at hindi maaring mapabayaan ang pagkalinga sa mga batang Pinoy, higit ang pagpapalak­as ng grassroots sports developmen­t program ng ahensiya na siyang mandato na ipinag-utos ng Pangulong Duterte.

“The ultimate goal, of course, is to win our firstever Olympic gold medal. But we also want to make sure that the welfare of our athletes are alright,” pahayag ni Ramirez sa pakikipagp­ulong matapos ang induction ng mga opisyal na bagong tatag na Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa PSC Administra­tion bldg. sa Rizal Memorial Sports Complex.

“No less than President Duterte has instructed us to put the athletes’ welfare above anything else. Winning a medal in the Olympics, Asian Games and even the Southeast Asian Games, will be a bonus,” pahayag ni Ramirez, sinamahan sa okasyon nina Commission­ers Ramon Fernandez at Charles Raymond Maxey.

Pinanumpa ni Ramirez sina Ed Andaya ng People’s Tonight (president), Dennis Eroa ng Inquirer Group (VP Internal), Beth Repizo ng Pilipino Star Ngayon (VP External), Edwin Rollon ng Balita (secretary), Nympha Miano-Ang ng Bulgar ( treasurer) at Mae Balbuena ng Pang-Masa (auditor).

Kasama rin ang mga directors na sina Enjel Manato ng Abante, Frederick Nasiad ng Bandera, Clyde Mariano ng Pilipino Mirror; Jeff Venancio ng Police Files, Rico Navarro ng Remate, Jesse Ong ng Market Monitor at Danny Simon ng HOY.

Ayon kay Ramirez, natukoy ng PSC ang 10 sports na malaki ang tsansa na makapagbig­ay ng Olympic gold sa bansa ang tinututuka­n ng ahensiya at mas bibigyan ng karagdagan­g pondo at atensyon para maihada sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Kabilang sa mga atleta mula sa ‘Elite 10’ sports na bibigyan nang karagdagan­g atensyon sina weightlift­er Hidilyn Diaz, silver medalist sa 2016 Rio de Janeiro Olympics; Cebu-born Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe sa judo, silver winner sa 2017 European Women’s Open sa Austria at bronze sa IJF World Judo Tour sa Paris; gayundin ang windsurfin­g, triathlon, cycling at traditiona­l Olympic sports na athletics, boxing, taekwondo, shooting at swimming.

Ayon kay Ramirez, kabuuang 25 atleta ang binabantay­an ngayon ng ahensiya para maibigay ang lahat ng pangangail­angan sa pagsasanay at training sa abroad para maihanda sa Tokyo Games.

Iginiit naman ni Fernandez na magbabanta­y din ang PSC sa magiging kaganapan sa POC election sa Febrero 23 na ipinag-utos ng Pasig Regional Trial Court upang malaman kung anong national sports associatio­n ang handang sumunod sa ipinaguuto­s ng batas.

Ayon naman kay Maxey, walang dapat ipagamba ang mga atleta at coach ng mga sports associatio­n na makakatiki­m ng ‘sanctioned’ mula sa pamahalaan dahil patuloy p rin nilang matatangga­p ang kanilang mga allowances at iba pang pangangail­angan sa pamamagita­n ng ‘direct to the athletes scheme’.

Nitong Huwebes, sinuspinde ng PSC ang Philippine Karate- do Federation ( PKF) bilang lehitimong sports associatio­n bunsod nang isyu ng korapsyon at pang-aabuso sa mga atleta ni PKF Secretary-general Raymond Lee Reyes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines