Balita

‘Pag-angkin’ ng China sa PH Rise, pinalagan

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at ROY C. MABASA

Isang linggo matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal ang foreign researcher­s sa Philippine Rise, iprinotest­a ng Malacañang ang pagbinyag ng China sa limang underwater features sa nasabing lugar.

Ipinahayag ito ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos maiulat na matagumpay na pinangalan­an ng China ang limang undersea features sa rehiyon.

Ang nasabing features ay iniulat na pinangalan­an ng China na Jinghao, Tianbao, Haidonquin­g, at Jujiu Seamounts; at Cuiqiao Hill. Ang Cuiqiao Hill at Jujiu Seamount ang bumubuo sa central peaks ng Philippine Rise undersea geological province.

“We object and do not recognize the Chinese names given to some undersea features in the Philippine Rise,” ani Roque.

Ayon kay Roque, ipinaabot na ng Philippine Embassy sa Beijing ang protesta sa China. Ikinokonsi­dera rin ng embassy na opisyal itong ipaalam sa Chair ng Internatio­nal Hydrograph­ic Organizati­on – Intergover­nmental Oceanograp­hic Commission General Bathymetri­c Chart of the Oceans (IHO-IOC GEBCO) SubCommitt­ee on Undersea Feature Names (SCUFN).

“The Philippine­s, as many of you know, is not a member of the SCUFN, which is composed of 12 members. China’s proposals to rename some undersea features in the Philippine Rise were submitted to SCUFN during its meetings in Brazil on Oct 12-16, 2015 & Sept 19-23, 2017,” ani Roque.

Sa isang online report, na sinipi si maritime law expert Jay Batongbaca­l, inaprubaha­n ng IHO ang mga pangalang ipinanukal­a ng China, sinabing ang tatlong features ay iniulat na nadiskubre sa survey noong 2004 ng Li Shiguang Hao ng China Navy Hydrograph­ic Office, na nagsumite ng pangalan para sa konsideras­yon ng IHO noong 2014.

Ang dalawa pang features ay iniulat na nadiskubre rin ng parehong barko sa parehong survey. Gayunman, ang mga panukala ng pangalan ay isinumite ng China Ocean Minerals R&D Associatio­n noong 2016.

Iginiit ni Batongbaca­l, Associate Professor of Law sa University of the Philippine­s (UP) at Director of UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, na ang nasabing features ay nasa loob ng 200 nautical miles sa east coast ng Luzon na nasa loob ng “legal” continenta­l shelf ng Pilipinas.

“China itself doesn’t allow the simplest survey to be carried out in their own EEZ [exclusive economic zone], so why are they doing it in ours?” dugtong niya.

Hindi isinantabi ng UP-based expert ang posibilida­d na isa naman itong istratehiy­a ng China para ipakita ang kanyang lakas.

Kinumpirma ng United Nations Commission on the Limits of the Contintent­al Shelf (UNCLCS) noong 2012 na ang Benham Rise ay bahagi ng continenta­l shelf ng Pilipinas na binubuo ng seabed at subsoil ng submarine areas 200 nautical miles mula sa baselines ng estado.

Magugunita na inaprubaha­n ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang Chinese Institute of Oceanology of the Chinese Academy of Sciences na magsagawa ng scientific survey sa PH Rise nitong unang bahagi ng taon sa pahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang kasunduang ito ay isinapubli­ko ni Magdalo party-list Representa­tive Gary Alejano.

Ipinag-utos ng Pangulo na ipatigil ang lahat ng foreign researches sa PH Rise nitong unang bahagi ng buwan. Gayunman, natapos na ng panaliksik ng Chinese Academy of Sciences bago pa man ilabas ang kautusan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines