Balita

3 sa 5 Pinoy, career muna bago love life

- Ni Alexandria Dennise San Juan

Tatlo sa lima o 59 na porsiyento ng mga Pilipino ang pipiliin ang career kaysa love life, ngunit 84% ang nagsabing posibleng matagumpay na pagsabayin ang dalawang ito, batay sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS).

Batay sa resulta ng survey nitong Disyembre 8-16, 2017, 59% sa mga respondent ang mas pinili ang career, at 41% ang mas uunahin ang love life, nang pinapili sa dalawa.

Ayon sa survey, mayorya sa kababaihan, o 60%, at 57% sa kalalakiha­n ang pinili ang career kaysa love life, at madaming mga walang asawa o kasintahan ang pumili rin sa career kaysa love life.

Sa survey question na “In your opinion, it is possible to be successful in your love life and career at the same time?”, 58% ang sumagot ng “definitely possible”, 26% ang nagsabing “somewhat possible”, 5% ang “somewhat impossible”, at 3% ang nagsabing “definitely impossible”, habang 8% naman ang “undecided”.

Mula rito ay nakuha ang possibilit­y score na + 76, na kinategory­a ng SWS na “very strong”.

Sa sumunod na tanong, tinanong sila kung naranasan na nilang magkaroon ng matagumpay na career at love life, mayoryang 66% ang nagsabing naranasan na nila ito.

Sa survey noong Disyembre 2017, 57% ang naglarawan ng kanilang love life bilang “very happy”, 29% ang nagsabing “it could be happier”, habang 14% ang nagsabing wala silang love life.

Samantala, ipinakita rin sa resulta ng survey na ang 18-34 anyos na single na lalaki ay mas masaya sa kanilang love life (45%) kumpara sa mga single na babae (28%).

Isinagawa ang December 2017 survey sa pamamagita­n ng face-toface na mga panayam sa 1,200 katao sa buong bansa.

 ?? CZAR DANCEL ?? Kasabay ng pagaabot ng bulaklak ay naghandog ng awitin ang tauhan ng PhilPost, upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso sa Makati City, kahapon.
CZAR DANCEL Kasabay ng pagaabot ng bulaklak ay naghandog ng awitin ang tauhan ng PhilPost, upang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso sa Makati City, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines