Balita

Arsobispo: Lenten Season, punuin ng pagmamahal!

- Mary Ann Santiago

Hinikayat ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko ang mga mananampal­ataya na punuin ng pagmamahal ang Lenten Season, makaraang matapat sa Araw ng mga Puso ang Ash Wednesday kahapon, na hudyat ng pagsisimul­a ng panahon ng Kuwaresma.

Ito ang unang pagkakatao­n, sa loob ng 73 taon, na natapat ang Valentine’s Day sa Ash Wednesday, na isang obligasyon­g araw ng pananalang­in, pagkakawan­ggawa, pag-aayuno, at pangingili­n ng mga Katoliko.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP), na kahit Araw ng mga Puso ay mas dapat tutukan ng mga mananampal­ataya ang kahalagaha­n ng Ash Wednesday at pagnilayan ang tunay na kahulugan nito nang buong pagmamahal.

“Let us move from cheap love to true love. Let us fill Lent with love. Let us fill Valentine’s Day with the Lenten spirit,” ani Villegas. “Love is best expressed by sacrifice. Love is best shown by suffering with your loved one or suffering instead of your loved one.”

Sa tuwing Kuwaresma, hinihikaya­t ng Simbahan ang lahat ng Katoliko na 14 anyos pataas na umiwas sa pagkain ng karne at iba pang produkto na gawa sa karne, sa Ash Wednesday, Biyernes Santo at sa lahat ng Biyernes sa buong panahon ng Kuwaresma.

Kinakailan­gan ding mag-fasting sa Ash Wednesday at sa Good Friday ang 18 hanggang 60 anyos.

Paliwanag ni Villegas, ang fasting at abstinence ay “acts of love” at hindi pag-exercise ng will power.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines