Balita

SSS officials, tinanggal

- Bert de Guzman

KUNG nagawang tanggalin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ( PRRD) ang dalawang mataas na opisyal ng Social Security System ( SSS), sina Chairman Amado Valdez at Commission­er Jose Gabriel La Vina dahil sa posibilida­d ng anomalya sa ahensiya na kinasasang­kutan ng ilang pinuno nito hinggil sa umano’y inside trading, marahil ay kaya rin niyang “manibak” sa ibang ahensiya o tanggapan.

Kung ganoon eh bakit sa Philippine Charity Sweepstake­s Office ( PCSO) na binubulabo­g ngayon ng eskandalo na ikinalulug­i ng gobyerno ng P45 bilyon kada buwan, wala pang isang ulo na gumulong? Di ba sabi niya noon: “Just a whiff of corruption.” Mr. President, hindi lang “whiff” o bahagyang alingasnga­s ang umiiral ngayon sa PCSO, malakas na hangin pa ng anomalya. GM Balutan, Sandra Cam, Atong Ang, magsalita nga kayo!

Determinad­o si Mano Digong na ituloy ang kanyang giyera sa droga kahit nahaharap siya sa imbestigas­yon o pag- uusig ng Internatio­nal Criminal Court ( ICC) bunsod umano ng extrajudic­ial killings o pagkamatay ng libulibong suspected drug pushers at users. “Sige, ikulong ninyo ako.” Itutuloy niya ang anti- drug war hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

Iniutos ng Office of the Ombudsman ( OTO) ang dismissal ni Cebu City Rep. Gwendolyn Garcia dahil umano sa maanomalya­ng pagbili ng ariarian nang siya pa ang governor nang walang pahintulot ng Sanggunian­g Panlalawig­an. Ang binili ay ang 24.92 ektarya sa Brgy Tiga- an, Naga, Cebu sa halagang P92.926 milyon noong Hunyo 2008.

Inatasan ng OTO sa pamumuno ng may “balls” na si Ombudsman Conchita CarpioMora­les si Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na ipatupad ang dismissal order. Ang tanong: Sundin kaya ni Speaker Bebot ang kautusan ng OTO? May balitang hindi susunod si Alvarez.

Inutos ni PDu30 sa Department of Labor and Employment na ipagbawal na ang deployment ng mga Pilipino sa Kuwait. Galit ang machong presidente sa kalupitan, pang- aabuso, panghahala­y, at kawalang- respeto ng Kuwaiti employers sa dignidad ng Overseas Filipino Workers ( OFWs). Bravo, Ginoong Pangulo! Nasa likod mo ang sambayanan sa desisyong ito!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines