Balita

Cray, tatakbo sa London meet

-

BILANG final tune up sa Asian Games, ilalahad ni Brazil Olympian at reigning Asian Athletics middle distance champion Eric Shawn Cray ang kanyang internatio­nal credential sa World Indoor Games sa February 28 sa London.

“The competitio­n will gauge how physically and mentally prepared Cray for the Asian Games against the world’s best middle distance runners,” sabi ni PATAFA treasurer Lucy Artiaga sa panayam sa kanyan tungkol sa pagsali ni Cray sa prestigiou­s event tampok ang mga atleta galing sa mahigit 80 mga bansa.

Mahirap ang pagdaraana­n ni Cray laban sa world class na mga karibal. Ngunit, may tsansa si Cray sa 400m na dinomina ng Pinoy sa 2015 Southeast Asian Games sa Singapore at Asian Athletics ginawa sa India.

Si Cray ay kasalukuya­n nageensayo sa El Paso, Texas sa masusing gabay nang kanyang American coach.

Habang nag-eensayo sumali si Cray sa mga torneo sa US bilang paghahanda sa Asian Games kung saan pamumunuan niya ang kampanya nang athletics kasama si PATAFA president Philip E. Juico at secretary general at dating SEA Games middle distance record holder Renato Unso.

Kasama sa delegation si Fil-Am Trenen Bera, reigning SEA Games triple jump champion Mark Harry Diones, SEA Games decathlon champion Aries Toledo, Mary Joy Tabal, at Jomar Udtohan.

Sina Diones, NCAA MVP at National Open champion, Toledo at Tabal ay gold medalists sa 2017 SEA Games sa Malaysia.

Ang participat­ion ni Cray ay sinuportah­an ng Ayala Foundation bilang final tune up sa Asian Games lalarga sa August sa Jakarta kung saan nagpagawa ang Indonesian government ng multi million dollars state-of-the-art sports complex.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines