Balita

Tiger Cubs, tumatag sa playoffs

-

NAKAMIT ng University of Santo Tomas ang huling semifinals slot nang maungusan ang Adamson University, 73-72, sa overtime kahapon sa kanilang playoff match sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Nagsalansa­n ang leading MVP candidate na si CJ Cansino ng walong puntos sa extension period kabilang ang nagsilbing marginal basket may natitira pang 1:13 sa oras na nagbigay sa Tiger Cubs ng 73-68.

Makakasagu­pa ng UST ang defending champion Far Eastern University-Diliman sa knockout step- ladder match sa Sabado sa parehas ding venue ganap na 10:00 ng umaga.

Hindi nanalo sa Tiger Cubs ang Baby Tamaraws sa kanilang unang dalawang pagtutuos sa eliminatio­n round.

Ang magwawagi sa kanila ay makakatapa­t ng twice-to-beat National University sa second stepladder match sa susunod na linggo kung saan uusad ang magwawagi sa kampeonato kontra outright finalist Ateneo .

Nagtapos si Cansino na may 24 puntos, siyam na rebounds, anim na assists at dalawang blocks, kasunod si Kobe Palencia na may 15 puntos, at John Lina na may double-double 12 puntos at 12 rebounds para sa UST.

Namuno naman si Jose Sabandal na may 20 puntos at may tig-9 rebounds at assists para sa Adamson, habang kumana sina Bismarck Lina at Rayjhun Baquial ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

“Pagdating sa Final Four, ibang usapan na ‘to. Dumadaan tayo sa butas ng karayom, ‘yung first step nakalusot tayo. I think this game, deserve ng mga bata ‘yung respect,” sambit ni Cantonjos, gumabay sa Tiger Cubs sa unang pasok sa ifinals sa Season. Marivic Awitan

Iskor: UST (73) - Cansino 24, Palencia 15, Lina 12, Baquial 7, Manabat 6, Villapando 3, Benzonan 2, Estrella 2, Narvasa 2, Relucio 0, Dolendo 0, Anunciacio­n 0, Dela Cruz 0.

ADU (72) - Sabandal 20, An. Doria 16, Ad. Doria 11, Hanapi 9, P. Santos 9, Manlapaz 7, Prodigo 0, Canoy 0, Baculio 0.

Quartersco­res: 16-14; 32-23; 4744; 63-63; 73-72.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines