Balita

Sugar Barons, kumpiyansa sa PAL Seniors Inter-Club

-

HINDI maisasanta­bi na kabilang sa paborito ang ninetime champion Canlubang at determinad­o silang sumagupa sa hangaring mabawi ang kampeonato sa pagpalo ng 32nd Philippine Airlines (PAL) Senior Interclub golf team championsh­ips sa susunod na buwan sa Bacolod City.

Asam ng Sugar Barons na makabawi sa kabiguang natamo nang tuldukan ng Luisita ang target na three-peat sa nakalipas na taon sa Davao City. “We are going to do this for Mike,” pahayag ni Rolly Viray, patungkol sa Spanish champion na si Mike Preysler na pumanaw nitong Disyembre.

Si Preysler ang pumalit sa puwesto na pansamanta­lang binakante ni Tommy Manotoc sa Davao season.

Nakapagtal­a lamang ang Sugar Barons ng 124 puntos sa Apo Golf and Country Club, dahila para maagang maghabol sa karibal sa 21 puntos. Kumasa ang Canlubang sa final round, ngunit naibaba lamang nila ang bentahe sa 11 puntos.

Kumpiyansa si Viray na makakabawi ang Canlubang bunsod na rin aniya ng matikas na marka ng koponan sa Marapara ( Negros Occidental Golf and Country Club) at Binitin (Bacolod Golf Club) sa nakalipas na torneo na ginanap dito.

Muli, hindi makalalaro si Manotoc, dating pro basketball coach, ngunit kasama sa Canlubang si US- based player Pem Rosal, nakababata­ng kapatid ni Abe Rosal.

“Pem is coming to play for us,” sambhit ni Viray. “Sabi ni Abe, mas magaling daw kesa sa kanya.”

Tinanghal na individual division champion si Abe Rosal sa kanyang senior debut sa nakalipas na taon.

Kasama rin sa koponan sina Damasus Wong, Dave Hernandez, Mari Hechanova, Zaldy Villa at Abe Avena.

Gaganapin ang PAL Men’s Interclub sa Marso 1-4,

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines