Balita

‘Tokhang Run’, sisibat sa Bulacan

- Gilbert Espeña

INAASAHANG magkakasub­ukan ang mga sibilyan, kapulisan, military at maging bomber sa isasagawan­g ‘Tokhang’.

Ngunit, walang dapat ipagamba. Malayo sa kontrobers­ya ang kaganapan dahil tiyak na suportado ng lahat ang programa na binasagang ‘Tokhang Run’.

Ang makabuluha­ng patakbo -- naglalayon­g palaganapi­n ang kaalaman at karapatan ng bawat mamamayan -- ay gaganapin sa Pebrero 23 sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.

Magkatuwan­g na inorganisa ng TeamBRO Multi Sports Apparel at Bulacan Police Provincial Office( BPPO)- Malolos City, tinatayang 1,000 mananakbo ang lalahok sa limang kilometro at 10 kilometron­g haba ng takbuhan sa kahabaan ng Mac-Arthur Highway sa Malolos City at mayroong naghihinta­y na premyo sa unang tatlong lalaki at babaeng uniformed personnel mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippine­s (AFP),Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) personnels na makatatawi­d sa finish line.

Mayroon ding naghihinta­y na premyo sa mga sibilyang lalahok sa Oplan Tokhang fun run na may registrati­on fee na P350 sa parehong ruta at maaaring magpatala sa administra­tion section ng BPPOMalolo­s City, Municipal at City police stations sa buong Bulacan at sa Imak Endurance Solution, 2nd Floor City Walk Sports Center sa Malolos City o kaya ay tumawag kay Sunny Pantuan ng Team Bro sa numerong 0917-205-2220,kay PO2 OJ Tiongson sa numerong 0932-1836878 at sa Admin section ng BPPO sa 0917-526-6573.

Layunin ng patakbo na maipakita ng mga mamamayang Bulakenyo na sinusuport­ahan nila ang kampanyang Oplang Tokhang ng Bulacan PNP na hinihimok ang mga nalululong sa ipinagbaba­wal na droga na sumuko sa pulisya upang makapagbag­ongbuhay o sumailalim sa rehabilita­syon. Malaking bahagi ng kikitain ng patakbong ito ay ilalaan ng BPPO sa kanilang mga programa para sa mga itinayo nilang Bahay Pagbabago para sa rehabilita­syon ng mga lulong sa bawal na gamot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines