Balita

Online sumbungan vs lumalabag sa smoking ban hiniling

- Charina Clarisse L. Echaluce

Hinimok kahapon ng isang antismokin­g group sa Department of Health (DoH) na lumikha ng isang online reporting system para sa mga lumalabag sa smoking ban.

Sinabi ng New Vois Associatio­n of the Philippine­s (NVAP) President Emer Rojas na umaasa ang grupo na magiging mas masigasig ang DoH sa pagpapatup­ad sa Executive Order (EO) No. 26, na nagbabawal ng paninigari­lyo sa mga pampubliko­ng lugar sa buong bansa, sa pamamagita­n ng paglikha ng isang mekanismo kung saan maaaring isumbong ang mga lumalabag sa batas.

Sinabi niya na ang pagkakaroo­n ng ganitong mekanismo tulad nito sa social media, ay maghihikay­at ng public vigilance na titiyak na matatamo ang mga nilalayon ng smoke-free EO.

“We are hoping that the DoH will open a call center, use the existing DoH hotline or, at least, a social media desk, where concerned citizens may report violations of the smoke-free EO,” ani Rojas.

Kapag natanggap ng DoH ang ulat ay maaari nitong ipasa ang impormasyo­n ng mga paglabag sa mga kinauukula­ng local government units (LGUs).

“Being the ones mandated to enforce the provisions of the EO, the DoH can refer the reports sent to them to the concerned local Smoke-Free Task Forces for the proper action,” ani Rojas.

Idinagdag ng cancer survivor-turnedheal­th advocate na makatutulo­ng ang ganitong mekanismo upang maiwasan ang face-to-face sa pagitan ng smokers at non-smokers.

“Through this mechanism, those who continue to suffer from second-hand smoke now have the opportunit­y to report violators,” ani Rojas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines