Balita

Heno, nagwagi vs ex-WBO minimumwei­ght champ

- Gilbert Espeña

Napanatili ng walang talong si Edward Heno ang kanyang OPBF light flyweight belt nang talunin sa 12-round split decision si dating WBO minimumwei­ght champion Merlito Sabillo kamakalawa ng gabi sa Gaisano City Mall sa Bacolod City, Negros Occidental.

Umiskor si referee Ferdinand Estrella ng 119-109 at si referee Lito delos Reyes ng 118-110 upang ibigay ang panalo kay Heno samantalan­g panalo si Sabillo kay referee Romeo Sumalapao sa iskor na 116-112.

Tiniyak ni Heno na hindi maaagaw ang kanyang OPBF belt sa mahusay na estilo ng boksing sa agresibong si Sabillo na lumabas sa harap ng mga kababayan.

“Heno was able to put up a masterful boxing performanc­e against a former champion in enemy territory. At least two out of three judges got the score right while the other one must have been watching a different fight,” sabi ng promoter ni Heno na si Anson Tiu Co sa Rappler.com.

Nakalista si Heno na No. 11 sa WBA, No. 12 sa IBF, No. 13 sa WBC, at No. 15 sa WBO kaya tiyak na papasok na siya sa top 10 sa susunod na world rankings dahil bukod sa dating world champion ang tinalong si Sabillo, nakatala itong No. 12 kay WBO light flyweight titlist Angel Acosta ng Colombia.

Sa undercard ng sagupaan, tiniyak ni dating IBO light flyweight champion Rey Loreto na muli siyang mabibigyan ng world title crack matapos pabagsakin ng limang beses si ex-WBF Asia Pacific light flyweight titlist upang magwagi sa 6th round TKO.

Nakalista pa rin si Loreto na No. 6 contender sa tumalo sa kanya sa puntos na si Thammanoon Niyomtrong sa sagupaan sa teritoryo nitong Thailand at No. 11 challenger kay WBC light flyweight champion Ken Shiro ng Japan.

 ?? RIO DELUVIO ?? BINIRA ni Jaja Santiago ng National University ang depensa ng La Salle sa UAAP volleyball.
RIO DELUVIO BINIRA ni Jaja Santiago ng National University ang depensa ng La Salle sa UAAP volleyball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines