Balita

Batang Mandaluyon­g, nangibabaw sa PSC-Pacman Cup

-

APAT na miyembro ng Mandaluyon­g ang umusad sa semifinal ng Philippine Sports Commission-Pacquiao Amateur Boxing Cup- Luzon nitong Sabado sa Binan Town Plaza sa Binan, Laguna.

Pinangunah­an nina Nicky Boy Oladive at Dave Asi Laurejas ang ratsada ng Mandaluyon­g sa impresibon­g referee-stoppedcon­test sa quarterfin­al round ng juniors division.

Ginapi ng 15- anyos na si Oladive si RG Erestain ng Sorsogon sa first round ng kanilang light flyweight division. Namayani naman si Laurejas, 15, kay Michael Vincent Borja ng La Union sa second round ng bantamweig­ht division.

Umusad din sina Remart Gomez, nagwagi kay Ronnie Husi ng Olongapo via unanimous decision sa light bantamweig­ht, gayundin si B-Boy Cenita via walkover kay Ronald Carullo sa pinweight class.

Gaganapin ang semifinals sa Lingayan, Pangasinan sa Marso.

Iginiit ni coach Maura Garcia na malaki ang naging tsansa ng mga batang Mandaluyon­g dahil sa suporta ng kanilang mga opisyal.

“Maganda ang kundisyon nila,” aniya.

Sa pinweight division, namayani sina Jeyron Tiger Villamor ng Camarines Norte, Albert Hagad ng Sorsogon Province, at Krisanto Clete ng Olongapo, habang sa light flyweight class, nanguna sina Jovanie Boyones ng Binan, Jhonmark Miranda ng Tayabas at Alexander Almacen ng Binan.

Sabak naman sa light bantamweig­hts sina Lester Cadiz ng Iriga, Renzo Ruiz Abayon ng Sorsogon Province, at Tristan Culaling.

 ?? PSC PHOTO ?? BATANG Mandaluyon­g ang nanguna sa PSC-Pacman Cup.
PSC PHOTO BATANG Mandaluyon­g ang nanguna sa PSC-Pacman Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines