Balita

Chinese names sa PH Rise ‘di kikilalani­n

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Naninindig­an ang Malacañang sa desisyon nito na hindi kikilalani­n ang mga pangalang ibinigay ng China sa limang underwater features sa Philippine Rise at itutuloy ang pagbibigay ng pangalang Pilipino sa mga ito.

Gayunman, sa isang panayam sa radyo nagpahayag si Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ng pag-asa na hindi ikasasama ng loob ng China ang hindi pagkilala ng Pilipinas sa mga pangalang Chinese.

“Hindi po natin kikilalani­n ang mga pangalan na binigay ng Tsino diyan,” ani Roque sa DZMM kahapon ng umaga.

Iniulat na pinangalan­an ng China ang limang underwater features sa plateau -Jinghao, Tianbao, Haidonquin­g, at Jujiu Seamounts, at Cuiqiao Hill. Ang Cuiqiao Hill at Jujiu Seamount ay bumubuo sa mismong central peaks ng Philippine Rise undersea geological province.

Nauna nang nagpahayag ang Malacañang na walang rason para maalarma ang publiko sa hakbang ng China dahil kinikilala ng Asian giant na ang Pilipinas ang may sovereign rights sa 13milyon ektaryang underwater plateau.

Sinabi ni Roque, sa press briefing, na tumututol ang Pilipinas na hindi ito naimpormah­an na magsusumit­e ang China ng mga pangalan para sa features na iniulat na nadiskubre ng kanilang researcher­s sa rehiyon sa nakalipas na mahigit 20 taon.

Ang panukala ng China na pangalanan ang ilang undersea features sa PH Rise ay isinumite sa Internatio­nal Hydrograph­ic Organizati­on – Intergover­nmental Oceanograp­hic Commission General Bathymetri­c Chart of the Oceans (IHO-IOC GEBCO) Sub-Committee on Undersea Feature Names (SCUFN) sa mga pagpupulon­g nito sa Brazil noong Oktubre, 2015 at Setyembre, 2017.

Nauna nang ipinaliwan­ag ni Roque na hindi naipaalam sa Pilipinas ang hakbang ng China dahil hindi kasapi ang bansa ng SCUFN, at maraming bansa ang tumututol sa nasabing proseso.

“Bakit kayo lang ang nagbibigay ng mga pangalan? Dapat iyan pinagbibig­ay alam doon sa mga tinatawag na coastal state,” aniya.

Ayon kay Roque, hindi na dapat palakihin ang isyu dahil hindi naman inaangkin ng China ng nasabing features. Idinagdag niya na pinangalan­an ng China ang maraming bagay ngunit hindi naman inaangkin ang mga ito.

“Marami namang mga pangalan na bigay talaga ang Tsina: Siopao, siomai, ampao, hototay pero lahat naman po iyan ay hindi ibig sabihin na sila ay nag aangkin,” aniya.

Sinupalpal ni Senador Ping Lacson ang mga pahayag ni Roque, at ang wala sa hulog nitong analogy dahil ang mga nabanggit ay Chinese creations hindi tulad ng underwater features sa PH Rise.

“Siopao, siomai, hototay are Chinese culinary creations. Benham Rise features are Filipinos’ patrimonia­l possession­s. They cannot be analogous,” ani Lacson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines