Balita

8 sabit sa Atio case, sinipa ng UST

- Mary Ann Santiago

Pinatalsik na ng University of Santo Tomas (UST) ang walong law student na isinasangk­ot sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III noong 2017.

Sa pahayag ng UST, na nalathala sa The Varsitaria­n, ang official student publicatio­n ng unibersida­d, napatunaya­n ng UST committee na “guilty” sa paglabag sa Code of Conduct and Discipline ang mga hindi pinangalan­ang civil law student na pawang miyembro ng Aegis Juris fraternity group, kaya pinatawan sila ng supreme penalty na expulsion.

“The University of Santo Tomas (UST) confirmed that the Committee tasked to investigat­e the death of Mr. Horacio Castillo III has issued its first resolution finding eight (8) law students guilty of violating the Code of Conduct and Discipline and imposing the supreme penalty of expulsion,” pahayag ng UST.

Ang nasabing komite ay itinatag ng UST Rector noong Setyembre 19, 2017, na binubuo ng anim na administra­tor at kinatawan mula sa Central Student Council.

Una nang nagsagawa ng pagdinig sa harap ng mga kinatawan ng Legal Education Board (LEB) bago ang nasabing desisyon.

Tiniyak ng UST na itutuloy ng LEB ang imbestigas­yon hanggang sa mapanagot na ang lahat ng estudyante na sangkot sa insidente.

“UST has always been one with the Castillo family in the steadfast call for everyone to pray and work together to achieve justice for Horacio and for truth to prevail,” saad pa sa pahayag ng UST.

Nahaharap na rin sa disbarment si UST Law Dean Nilo Divina, isa sa mga kilalang alumni ng Aegis Jvris, at 20 iba pa, dahil sa akusasyong tinangka ng mga itong pagtakpan ang pagkamatay ni Castillo.

Setyembre nang matagpuan ng kanyang mga magulang si Castillo, 22, freshman law student ng UST, sa isang morgue sa Maynila, matapos sumailalim sa hazing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines