Balita

12 pumuga, buong Jolo Police sinibak

- Nina AARON RECUENCO at FER TABOY

Sinibak sa puwesto ang buong puwersa ng Jolo Police sa Sulu matapos tumakas ang 12 bilanggo sa detention cell nito, noong Sabado ng umaga.

Inihayag ni Senior Insp. Jemar delos Santos, tagapagsal­ita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), na pinanganga­siwaan na ngayon ng Provincial Public Safety Battalion ang Jolo Police Station makaraang tanggalin sa puwesto ang lahat ng pulis nito.

“The relief was ordered by the Regional Director (Chief Supt. Graciano Mijares). All police stations were also alerted as part of the pursuit operation,” ani Delos Santos.

Sinabi ni Delos Santos na tumakas ang lahat ng 29 na nakapiit sa presinto, bagamat kaagad na muling naaresto ang 17 sa mga ito.

Paglilinaw ni Delos Santos, pansamanta­la lamang ang pagkakatan­ggal sa puwesto ng buong Jolo Police hanggang hindi pa natatapos ang imbestigas­yon sa insidente.

Nilinaw ni Delos Santos na karamihan sa mga pumuga ay nahaharap sa drug cases.

Ang mga ito ay sina Herbert Bael, Radzmir Salahuddin, Nurhassan Taasan, Alim Misah, Abdulwahid Lipae, Junal Sali, Alvin Hamdi, Al-Amil Kapili, Algamer Bantala, Muthamir Pangambaya­n, Khan Balang, at Dante Abdulla.

“They used a picklock in opening the main padlock of the detention facility. All of the 29 inside escaped but 17 of them were recaptured,” aniya.

Nagsasagaw­a na ngayon ng manhunt operation laban sa 12 pang preso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines