Balita

BUHAY ANG INUTANG…

Giit ng pamilya Demafelis sa mag-asawang suspek:

- Roy Mabasa at Mina Navarro

Sinimulan na ang magkahiwal­ay na imbestigas­yon sa mag-asawang amo ni Joanna Demafelis, ang overseas Filipino worker (OFW) na natagpuang patay sa loob ng freezer sa isang abandonado­ng apartment sa Kuwait, makaraang magkasunod na maaresto sa kani-kanilang bansa sa Lebanon at Syria.

Ayon sa mataas na opisyal ng General Security Directorat­e ng Lebanon, sinimulan na ang interogasy­on kay Nader Essam Assaf, isa sa mga amo ni Demafelis sa Beirut makaraang maaresto nitong Biyernes.

Nasa kustodiya naman ng Damascus sa Syria at iniimbesti­gahan na rin ang misis ni Assaf na si Mona Hassoun.

Batay sa imbestigas­yon, pinatay umano ng mag-asawa sa gulpi si Demafelis bago isinilid sa freezer dalawang araw bago nila lisanin ang inuupahang apartment sa Maidan Hawally noong Nobyembre 2016.

Ngayong buwan lamang nadiskubre ang bangkay ni Demafelis, 29, sa freezer.

Naniniwala naman si Labor Secretary Silvestre Bello III na makakatulo­ng ang pagdakip sa mag-asawang suspek upang maibalik sa normal ang ugnayang diplomatik­o ng bansa sa Kuwait.

Ayon kay Bello, posibleng magkaroon ito ng positibong epekto para ikonsidera ni Pangulong Duterte ang pagbawi sa total deployment ban sa Kuwait.

Gayunman, kaagad na nilinaw ng kalihim na mangyayari lamang ito kapag lumagda na sa memorandum of agreement (MOA) ang Kuwaiti government para tiyakin ang proteksiyo­n ng mga OFW sa Kuwait, partikular ang mga domestic helper.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines