Balita

DongYan, magkakasab­ay uli sa primetime block

- Ni NORA CALDERON

Mahal na mahal ni Marian Rivera ang kanyang Super Ma'am family nang magtapos ay pinangakua­n niyang magkakaroo­n sila ng reunion. Tinupad ito ni Marian last Friday, at ginanap ang dinner sa bahay nila ni Dingdong. Nakakatuwa na dumating ang buong cast. Dumalo si Helen Gamboa na kasama ang asawang si Senator Tito Sotto. Katatapos din lamang mag-celebrate ng 49th wedding anniversar­y ng mag-asawa. Dinalaw na rin nila si Baby Zia, ang apo nila kina Marian at Dingdong na inaanak nila sa kasal. Aliw na aliw ang cast ng Super Ma’am sa bibo at madaldal nang si Zia. Very soon ay aalis sina Dingdong, Marian at Zia papuntang Spain, ayon sa manager ng aktres na si Rams David. Ngayon pa lamang makikita si Zia nang personal ng ama ni Mariian na si Fran Gracia at relatives nila. Pagbalik nila ay sasabak na si Marian sa trabaho para sa isang dramaserye sa GMA-7. Pahinga muna siya sa action series at magpapaiya­k naman siya ng televiewer­s. Sisikapin din nila ni Dingdong na masundan na si Zia kung ipagkakalo­ob ng Diyos.

May dalawa namang projects sa GMA na pinagpipil­ian si Dingdong. Malamang magkasabay sila muli sa primetime block by the third quarter of the year.

Samantala, nag-enroll na sa Open University ng University of the Philippine­s Diliman si Dingdong para kumuha ng Masters in Public Management. Mukhang paghahanda na ito ng Kapuso Primetime King sa pagpasok niya sa pulitika.

Kababalikk lang ni Dingdong from Bangkok, Thailand, kasama ang Kapuso actors na sina Mikael Daez at Benjamin Alves. Nagpunta sila roon para magpasalam­at na tanggap ng Thais ang Filipino television shows na ipinapalab­as doon. Ipapalabas ng Bright TV sa Bangkok ang dramaserye ni Dingdong na Ang Dalawang Mrs. Real na sina Ms. Maricel Soriano at Lovi Poe ang leading lady niya.

 ??  ??
 ??  ?? Sen Tito, Helen, Zia, Marian at Dingdong
Sen Tito, Helen, Zia, Marian at Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines