Balita

5 nagbitbit ng R2.4M sa NAIA, , huli

- Betheena Kae Unite

Pinigil ng awtoridad ang limang turista, na patungo sana sa Dubai, dahil sa pagdadala ng P2.4-milyon cash sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA), nitong Sabado ng gabi,ayon sa Bureau of Customs (BoC).

Ayon sa BoC, ang dalang cash ng mga turista ay lagpas sa limitadong P10,000-P50,000 na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dahilan upang pigilan sila ng mga Customs agent.

Nadiskubre ang P2.4 milyon sa loob ng carry-on luggage ng mga hindi pinangalan­ang suspek na nagpakilal­a umanong mga negosyante, sa kasagsagan ng final security screening sa NAIA Terminal 3.

Pinigil silang makasakay sa eroplano at pawang nasa kustodiya ngayon ng Enforcemen­t and Security Service para isailalim sa imbestigas­yon.

Isa sa limang suspek ang nagsabi umanong hindi niya alam sa batas na hindi papayagan ang mga pasahero sa pagdadala ng katulad na halaga ng pera.

“We want to withhold their identities first until after said investigat­ion to protect their rights as well. We will release their identities as soon as the investigat­ion is concluded,” ani Atty. Vincent Maronilla, district collector ng NAIA.

Sinabi pa ni Maronilla na ang P50,000 ng bawat pasahero ay naibalik sa mga ito habang ang natitira sa cash ay kinumpiska ng BoC habang nakabimbin pa ang seizure proceeding­s.

Kakasuhan ang lima ng paglabag sa BSP Circular No. 922 o Rules on Cross Border Transfer of Local and Foreign Currency, at Section 101 ng BoC Modernizat­ion Tariff Act.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines