Balita

4 timbuwang sa Tondo shootout

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Tumimbuwan­g ang apat na hindi kilalang lalaki na sakay sa dalawang motorsiklo matapos umanong makipagbar­ilan sa mga pulis na aaresto sa kanila sa magkahiwal­ay na insidente sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Unang napatay ang dalawang suspek na inilarawan ng awtoridad na nasa 30-35 anyos, may taas na 5’3” hanggang 5’6”, katamtaman ang pangangata­wan, kapwa nakasuot ng clinical mask at puting T-shirt, ang isa ay nakasuot ng itim na cargo shorts habang gray jogging pants at may tattoo na ‘Delpan BCJ 32 Raymond’ sa likod ng kanang balikat.

Sa imbestigas­yon ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police DistrictCr­imes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), dakong 2:45 ng madaling araw nang mapatay ng mga tauhan ng Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP), ng MPD-Station 1, ang mga suspek sa isang engkuwentr­o sa Road 10 Bridge sa Tondo, na sakop ng Barangay 108, Zone 10.

Unang nagsasagaw­a ng Oplan Sita sina PO1s Normal Alvin Santos, Oliver Satur, Rodolfo Ramos at Leandro Veloso, sa naturang lugar nang mamataan ang pagka-counter flow ng mga suspek na sakay sa itim na Yamaha Sky Driver 125 na walang plaka.

Nang tangkang sitahin ng awtoridad, umiwas ang mga salarin at sumibad kaya hinabol sila hanggang pagbabaril­in umano ang mga pulis na masuwerten­g hindi tinamaan.

Napilitang gumanti ng putok ang awtoridad at napatay ang dalawa.

Narekober umano sa dalawa ang isang .38 caliber revolver, isang .38 caliber Armscor 202, na parehong may tigatlong bala at walang serial number, 13 pakete ng hinihinala­ng shabu, at isang motorsiklo.

Samantala, bandang 3:45 ng umaga nang nakasagupa ng mga tauhan ng MPD-Station 7 ang dalawa pang hindi kilalang suspek sa Antipolo Street at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.

Ayon kay MPD- Station 7 commander, Supt. Gerry Corpuz, nakatangga­p sila ng sumbong mula sa mga residente na may namataan ang mga itong riding-in-tandem na kapwa walang suot na helmet at nagpapaiku­tikot sa lugar.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis subalit sinalubong umano sila ng putok ng baril ng mga salarin, kaya nauwi sa engkuwentr­o na sanhi ng pagkamatay ng dalawang suspek.

Suspek sa pagpatay sa isang pedicab driver sa Tondo nitong Sabado, nakuha sa mga salarin ang siyam na plastic sachet ng hinihinala­ng shabu, isang .45 caliber pistol, at isang .38 caliber revolver.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines