Balita

1,500 raliyista sumugod sa EDSA

- Alexandria Dennise San Juan at Chito Chavez

Sinugod ng aabot sa 1,500 raliyista ang EDSA People Power Monument sa Quezon City para sa paggunita sa ika-32 anibersary­o ng EDSA People Power Revolution kahapon upang tutulan ang panukalang pagpapalit ng gobyerno.

Nagtipun-tipon muna ang mga militanten­g grupo, sa pangunguna ni dating National Democratic Front (NDF) negotiator Satur Ocampo, sa EDSA Shrine bago sila nagmartsa patungo sa naturang bantayog.

Sa programa, binigyang-diin ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang kakulangan ng kahandaan ng bansa para sa isang federal system of government dahil wala pang maliwanag na layunin at patutunguh­an ang pagpapatup­ad nito.

Magpapalak­as lamang, aniya, ito sa political dynasty sa Pilipinas.

Sa kilos-protesta, namataan din ang pamilya ng mga nakakulong na aktibista at tinawag nilang “fascist” ang pamahalaan­g Duterte.

Dumalo rin sa protestang tinampukan ng pagtatangh­al ng mga grupong makakultur­a sina dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Bayan Secretary General Renato Reyes, Mae “Juana Change” Paner, at iba pa.

Nakilahok din sa protesta ang grupo ng mga kabataan na Samahan ng Progresibo­ng Kabataan (Spark), na nananawaga­ng maglatag ng mga alternatio­ng pagpipilia­n sa pagtatatag ng federal form of government sa Pilipinas.

Tinawag pa nilang “two evils” ang 1987 Constituti­on at ang panukala ng PDP-Laban na Charter Change.

Iginiit din ng grupo na hindi umano mapakikina­bangan ng mahihirap ang isinusulon­g na pagbabago sa kasalukuya­ng porma ng gobyeryo at lalo lamang nitong mapagtuuna­n ng pansin ang economic at political power sa lumalawak na political dynasty sa bansa.

“We must return to the original essence of the EDSA uprising and not the part of self-serving political clans that jostled for the hearts and minds of the masses only to perpetuate themselves in power. The peoples’ revolt was a bona fide attempt to free themselves from debilitati­ng poverty, corruption and inequality under Marcos,” pagtutol pa ni Joanne Lim ng Spark.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines