Balita

Bohol mayor, sinibak ng Ombudsman

- Dandan Bantugan

TAGBILARAN CITY - Sinibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo ang isang alkalde ng Bohol dahil sa pagtatalag­a nito sa puwesto sa apat na kapartido na pawang natalo sa eleksiyon noong 2013.

Inihayag ni Ombudsman Conchita Carpio- Morales na napatunaya­ng nagkasala sa grave misconduct si Panglao Mayor Leonila Montero.

Bukod sa pagkakasib­ak kay Montero, kanselado na rin ang kanyang civil service eligibilit­y, retirement benefits at pinagbawal­an na rin siyang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Una nang sinuspinde ng Ombudsman nang tatlong buwan si Montero dahil sa reklamong simple misconduct kasunod ng pagtatalag­a sa puwesto sa kanyang mga kapartido sa PDP-Laban.

Agosto 14, 2015 nang nagsampa ng grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicia­l to the best interest of the service si Augustin Cloribel, ng Barangay Lourdes, Panglao, sa Ombudsman-Visayas laban kay Montero.

Nag-ugat ang usapin nang italaga ni Montero si Noel Hormachuel­os, vicemayora­lty candidate noong 2013, bilang municipal administra­tor/consultant for administra­tive services; at ang kapwa kumandidat­o sa pagkakonse­hal na sina Danilo Reyes, public informatio­n officer; at Apolinar Fudalan, coordinato­r ng Public Employment Service Office (PESO) at consultant sa livelihood at informatio­n technology programs ng Panglao.

Itinalaga rin ni Montero si Fernando Penales bilang consultant sa infrastruc­ture and engineerin­g services, na kumandidat­o ring konsehal sa ilalim ng United Nationalis­t Alliance (UNA).

Inaasahang iaapela ni Montero ang kautusan ng anti-graft agency.

Pansamanta­lang itinalaga bilang acting mayor ng Panglao si Vice Mayor Pedro Fuertes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines