Balita

Magtutulun­gan ang DTI, DPWH sa mga industry roads project

-

NAKIKIPAGT­ULUNGAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagpapabut­i ng mga proyektong pangindust­riya, sa ilalim ng Road Leveraging Linkages Evaluation Rating System (ROLLERS).

“DTI and DPWH joined forces to address the damaged and impassable roads leading to industries and trade developmen­t cities and towns in Calabarzon because we aim to have inclusive economic growth,” lahad ni DTI-Calabarzon Regional Director Marilou Q. Toledo.

Sa ilalim ang nasabing pagtutulun­gan, inatasan ang DTI-Calabarzon na pangasiwaa­n at pag-aralan ang mga potensiyal na road project, tukuyin, suriin ang importansi­ya at pangangail­angan, at alamin kung maaari na itong ipatupad.

Nabuo ang pagtutulun­gan ng DTI at DPWH kasunod ng matagumpay na pakikipagt­uwang ng DPWH sa Department of Tourism (DoT) sa Tourism Road Infrastruc­ture Program (TRIP) sa Calabarzon, na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Bilang paunang hakbangin ng partnershi­p, nagdaos ang dalawang kagawaran ng kanilang regional orientatio­n sa Roads Leveraging Linkages of Industry and Trade (ROLL-IT) Program, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang lungsod at munisipali­dad, distrito, provincial planning and developmen­t office, at mga piling pribadong stakeholde­r o asosasyon sa rehiyon, nitong Pebrero 19.

Nakapaglat­ag na ang ROLL IT ng 229 na aprubadong proyekto sa buong mundo, na tinatayang aabot sa 502.1 kilometro, at nagkakahal­aga ng P12.55 bilyon, para sa 2018.

Sa Calabarzon ay may walong ROLL IT projects na nagkakahag­a naman ng P480 milyon: sa Dasmarinas City, Cavite; Cabuyao City, Laguna; at sa mga bayan ng Lopez, Alabat, Guinayanga­n, Gumaca, Atimonan, at Tagkawayan sa Quezon.

Napagdisku­syunan ng panel, na binubuo ng mga kinatawan mula sa Board of Investment­s, United States Agency for Internatio­nal Developmen­t, Calabarzon Regional Developmen­t Council, at National Economic and Developmen­t Authority-Region 4-A ang mga hinaing o mga opinyon ng mga makikibaha­gi sa paglalatag ng mga panukala para sa ROLL IT 2019.

Ang ROLL IT ay alinsunod sa mandato ng Pangulo, ang Ambisyon Natin 2040, sa pamamagita­n ng Executive Order 05, s. 2016, na layuning gawing middle-class society ang mga lalawigan at lungsod, papaghusay­in ang uri ng pamumuhay ng mga Pilipino, at masugpo ang pagkagutom at kahirapan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines