Balita

Kumilos na ang kabataan

- Ric Valmonte

NITONG

Biyernes, libu-libong mag-aaral sa buong bansa ang lumabas sa kanilang mga eskuwelaha­n at nagmartsa sa kalye upang iprotesta ang sinasabi nilang mapaniil na rehimen ni Pangulong Duterte.

Nakadamit ng itim, ang mga estudyante ng University of the Philippine­s (UP)-Diliman at Manila, Polytechni­c University of the Philippine­s, De La Salle University, University of Sto. Tomas, Philippine Normal University at iba pa ay nagmartsa mula sa kanilang mga eskuwelaha­n patungong Mendiola. Nananawaga­n sila ng pagkakaisa laban sa banta sa demokrasya.

Ang Samahan ng Kabataan para sa Bayan- UP Los Baños ay nagpahayag na nagsama-sama sila para kondenahin ang paglabag sa kanilang demokratik­ong karapatang mabuhay, sa de-kalidad na edukasyon, at sa due process.

“Ang # Walkout protest ay bahagi ng sunud-sunod na pagkilos sa buong kapuluan bilang kasagutan sa pagnanais na baguhin ang Saligang Batas at gawing federalism­o ang gobyerno upang mapatibay ang one-man rule ni Pangulong Duterte. Sa maselang panahon ngayon, pinili naming huwag manahimik sa maraming paraan na ginagawa ng gobyerno na pumapatay sa atin. Napapanaho­n na naman para sa aming mga kabataan para ipakita ang aming lakas at ihayag ang determinad­ong pakikiisa sa pagtataguy­od sa kapakanan ng aming mamamayan,” sabi ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago.

Kumilos na ang kabataang estudyante. Wala pa ang mga ito nang idineklara ni dating Pangulong Marcos ang martial law. Kaya hindi nila nasaksihan at naranasan ang kalupitan ng rehimeng ito. Wala silang personal na alam sa nangyari sa kapwa nila noon na pinatay, dinukot at nangawala. Hindi nila naranasan ang kahirapan at kagutuman.

Pero sila ngayon ang nangunguna sa pakikipagl­aban ng sambayanan. Kasi, aral sila ng kasaysayan. Ang nangyari noon ay nauulit ngayon. Para rin silang buhay noon nang ang martial law ay nakalukob sa buong bansa.

Hindi ko alam kung sa pagkilos ngayon ng kabataan ay matitinag ang administra­syon. Magbabago ng direksiyon­g tinatalunt­on na sinasalung­at ng kabataan.

Pero ang alam ko, hindi matitinag ang kabataan. Matapang sila dahil, unang- una, sapat ang kanilang kaisipan, karunungan at kakayahan upang malaman nila ang kanilang ipinaglala­ban at kung paano sila lumaban.

Malalim ang kanilang pinagkukun­an. Mahirap silang mapaniwala sa fake news. Hindi sila malilinlan­g ng mga ikinakalat na impormasyo­n sa social media.

Ikalawa, wala silang interes na katatakuta­ng masagasaan maliban ang interes nila sa labanan para maitama ang mali. Hindi mo sila matatakot at masusuhula­n. Dahil dito, gumanda ang kalagayan ng sambayanan. Ang hiwa-hiwalay nilang pagkilos, ayon sa kanilang magkakaiba­ng interes na ipinaglala­ban, ay mapapag-isa na.

Pag-iisahin at palalakasi­n ang mga ito ng kabataan na masigasig at hindi napapagod sa labanan hanggang mabuong muli ang people power.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines