Balita

‘High school days are exciting, kay saya!’

- Dave M. Veridiano, E.E.

NASISIGURO kong maraming sasang-ayon sa akin na kapwa ko mga senior citizen na ang high school life ang pinakamasa­ya at pinakamasa­rap na gunitain na yugto ng ating buhay. Karamihan pa nga sa atin ay ‘di mapigilan na pasimpleng napapangit­i, ‘yung iba pa nga paimpit na bumubungis­ngis kapag naririnig ang awiting “High School Life” na sumikat noong dekada ‘70.

Paano mo matatakasa­n ang mensahe ng awiting ito: “High school life, oh my high school life, ev’ry memory, kay ganda. High school days, oh my high school days, are exciting, kay saya. There are times, may problema ka, kung ang homework, left undone. Pray ka lang, ‘wag tawagin ka, upang di pagtawanan..”

Kaya sa reunion ng Torres High School Batch ‘71 sa kanilang 47th anniversar­y nitong Sabado ay maraming dumalo. May galing pa sa ibang bansa, at sama-sama kaming nag-throwback sa apat na taong high school life bilang mga mag-aaral ng THS, isang de-kalibreng public school sa gitna ng makasaysay­ang distrito ng Tondo sa Maynila.

Ang simula ng programa ay 6:00pm pa, ngunit dahil sa sobrang excited ng iba sa muling pagkikitan­g ito makaraan ang apat at kalahating dekada, pasado 3:00pm pa lamang ay halos mapuno na ng mga ka-batch namin ang ball room ng AG New World Manila Bay Hotel sa Ermita, Manila.

Kasama ako, at ang aking CIC na si Aymi sa mga naunang dumating sa hotel. Batch mate kasi kami ni Aymi, ngunit ni minsan, ay ‘di nagkrus ang aming landas sa THS kahit na dingding lamang ang pagitan ng aming mga classroom—sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) kami pinagtagpo ng tadhana!

Siyempre, umiral ang pagiging mamamahaya­g ko kaya lumikot ang aking tainga at mata sa mga bulung-bulungan at kuwentuhan ng aking batch mates…walang kulaypulit­ika. Halos lahat ng usapan, pagbabalik-tanaw sa masasaya at mga nakakatawa­ng pangyayari sa loob at labas ng school campus, kasama ang mga dating tinatawag na SF o special friends.

Ang SF ay ‘yung mga crush ng bayan, kabarkada, miyembro ng Boy Scout at Girl Scout, ang mga lodi na officer ng PMT ( military training), glee club, at iba pang campus organizati­on.

Tampok sa mga usapan sa bawat grupo ang mga crush nila na hindi man lang nalaman ang kanilang mga saloobin hanggang maka-graduate. Isa sa aking naulinigan ay ‘ yung mensahe para sa isang crush na hindi naiparatin­g, dahil sa ‘yung tulay niya ay may crush din pala sa kanya, kaya inipit nito ang ipinasasab­i niya.

May mga excited na pumunta para makita ‘yung crush nila. Bigo man sa pakay, aminado naman silang panalo sa walang pagsidlang kasiyahan!

Napuno ang dance floor sa line dancing, sa pangunguna ng 5 Dance Instructor (DI). Maraming napilitang sumayaw, kahit na sinasabing pilipit ang kanilang mga paa sa pagsasayaw, upang ‘ di makantiyaw­an. Meron namang may kasamang sariling DI, kaya animo nag-e-exhibition sa gitna.

Ang pinagkagul­uhan sa grupo, siyempre ‘yung maraming dalang throwback pictures na kuha sa iba’t ibang lugar sa campus. Ang gulat na gulat na tanong pa nga sa kanya ay: “Saang baul mo nahalukay ‘yan?”

Iniharap din sa grupo ang limang scholar na malapit nang makagradua­te ng kolehiyo sa tulong ng pinagsama-samang kontribusy­on ng ilang miyembro.

Sana, ang mga grupong tulad nito na may busilak na pagsasamah­an, ay hindi mapasukan ng pulitika, gaya ng ibang nakita kong reunion, na ang panauhing pandangal ay mga pulitikong walang magawang magaling kundi ang mangako na palagi namang napapako!

Mabuhay ang pamunuan ng THS Batch ’71, sa pangunguna ni Rene Noriega at ng mga director na kinabibila­ngan ko. Umaasa ako, kasama ang dalangin, na magkikitak­ita ulit ang buong grupo sa ating Golden Anniversar­y, tatlong taon na lang mula ngayon!

( Mag- text at tumawag sa 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist. com)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines