Balita

‘The Good Son,’ extended hanggang Abril

- --Reggee Bonoan

GRABE ang feedback na nababasa namin sa social media tungkol sa napakagand­ang performanc­e ni Nash Aguas bilang Calvin sa seryeng The Good Son. At dahil sa taas ng ratings ay muli itong naextend hanggang Abril.

Nang huli naming makausap ang business unit head ng programa na si Direk Erik Salud sa burol ng mommy ng Dreamscape Entertainm­ent head na si Deo

Endrinal ay sinabi niya sa amin na hanggang Marso 2018 lang eere ang The Good Son, eksaktong anim na buwan simula nang magpilot noong Setyembre 2017.

Pero base sa mga bagong nabubuksan­g kuwento sa The Good Son ay naisip naming ‘mukhang mae-extend ito’ dahil pagkatapos umamin ni Calvin ( Nash) na siya ang dahilan ng kamatayan ni SPOl Colmenares ( Michael Rivero) at siya rin ang pumatay sa kinilalang amang si Victor Buenavidez ( Albert Martinez) ay heto at pumapasok naman si Anthony ( John Estrada) na may lihim din palang galit sa kuya niya.

Kaya nang makita namin si Direk Erik sa ELJ Building ay tinanong namin kung extended ang The Good Son. Napangiti siya at tumango, saka sinabing hanggang Abril na ang serye. Noong kauumpisa pa lang ng The Good Son ay ilang beses naming sinulat ang hula namin na si Anthony ang posibleng pumatay sa Kuya Victor niya dahil nga sa inggit, ngayon ay may back-story pala talaga ang magkapatid.

Iniligaw lang pala ng writers ng TGS ang kuwento para hindi ma- focus kay Anthony ang bintang at nagtagumpa­y naman dahil naging interesado na ang manonood na subaybayan ang programa at may kanya-kanya nang hula kung sino ang pumatay kay Victor at kasama na rin si Jeric

Raval bilang si Dado dahil nga anak niya si Calvin (Nash) kay Olivia ( Eula Valdez) na hanggang ngayon ay mahal na mahal niya.

Ngayong umamin na si Calvin, posible siyang mapawalang-sala dahil nga may sakit siya sa pagiisip.

Ang tanong ng lahat, ano ang plano ni Anthony? Bakit niya kinuha ang pera ng kumpanya, para ba itago ito kay Olivia na gustong kamkamin ang lahat at totoo nga kayang siya ang pumatay sa Kuya Victor niya?

E, kailangang ma-redeem ni Anthony ang sarili niya, baka nga iniligtas lang niya ang kumpanya sa posibleng pagbagsak at ituloy ang magandang nasimulan ng kuya niya para sa mga trabahador nila and at the same time ay pakakasala­n si Racquel ( Mylene Dizon) para magkatuwan­g silang patakbuhin ang negosyong iniwan ng kapatid.

At dahil pamangking buo naman niya talaga si Enzo ( Jerome Ponce) ay may karapatan pa rin ito sa kumpanya kasama rin si Joseph ( Joshua Garcia).

Lalo pang naging kaabang-abang sa avid viewers ang The Good Son na napapanood pagkatapos ng La Luna Sangre na malapit na ring magbabu.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines