Balita

Florencio, bidang basketboli­sta, 70

- Ni BRIAN YALUNG

PUMANAW na si Danny Florencio, itinuturin­g haligi ng Philippine basketball, sa kanyang tahanan sa California, USA. Edad 70 ang cage legend.

Mistulasng apoy na mabili na kumalat ang balita sa social media matapos ipost ni Olivia Isabel (@olivecauna­n) sa Twitter ang pagpanaw ng kanyang lolo.

“My dad (left) with lolo Danny Florencio (middle) during his younger years. #riptothele­gend”

Kaagad na nagbigay ng tribute si PBA sharp-shooter Allan Caidic sa kanyang sarilig Twitter account.

“Rest in Peace to my friend, my kumpare and one of my idols in Philippine basketball DANNY FLORENCIO”

Kaagad ding tinawagan ng MB Sports Online ang US-based na ring si PBA coach Rino Salazar para maberipika ang balita.

“Sabi ni Danny Manalastas (a former player from FEU who played under coach Turo Valenzona) na stroke siya noong isang lingo at namatay kanina.”

Miyembro si Florecion ng 25 sa 40 PBA Greatest Players of all time. Nagsimula ang kanyang profession­al career noong 1968 at 1983 kung saan nakapaglar­o siya sa magkaribal na Crispa at Toyota.

Sa pagreretir­o sa PBA, kabilang siya sa all-time record books bilang Top 10 sa scoring average at Top 25 sa free throw shooting percentage.

Bago sumikat ang premyadong si Samboy ‘The Skywalker’ Lim, tinagurian­g PBA’s “Daredevil” si Florencio dahil sa kanyang kakaibang istilo sa ere.

Tangan ni Florencio ang PBA best 32.3 puntos noong 1977. Nakapagtal­a siya ng 50 puntos sa apat na pagkakatao­n sa loob ng walong taong career sa liga.

Bago sa PBA, pambato ang 5-foot-10 guard-forward ng University of Santo Tomas (1965-67) at YCO Painters sa MICCA (1968-69).

Miyembro siya ng PH National squad na sumabak laban sa South Korea sa 1967 FIBA Asia Cup. Kasama rin siya ng koponan sa Olympics noong 1972.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines