Balita

Ateneo, umarya sa UAAP volleyball

- Marivic Awitan

NAGPOSTE ng season high 30puntos ang reigning men’s MVP na si Marck Espejo para pangunahan ang defending champion Ateneo de Manila University sa 25-21, 23-25, 27-25, 25-21 paggapi sa University of the Philippine­s sa pagpapatul­oy ng UAAP men’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Isinalansa­n ni Espejo ang 21-hits, 5 blocks at 4 na aces upang giyahan ang Blue Eagles sa ikalimang sunod na panalo pagkaraang mabigo sa kanilang unang laro sa kamay ng namumunong Far Eastern University (5-0).

Kumana ang graduating hitter ng season-best 30 puntos, tampok ang 21 spikes, limang blocks at apat na acesm habang tumipa ng 11 excellent receptions at pitong digs para sa ikalimang sunod na panalo ng Blue Eagles.

Nagtala naman ng 13-puntos at 12 puntos sina Gian Glorioso at Gian Glorioso at Chumason Njigha, ayon sa pagkakasun­od habang nagposte naman si Ish Polvorosa ng 45 excellent sets para sa nasabing panalo ng Blue Eagles.

Dahil naman sa kabiguan, ang kanilang ika-apat na sunod matapos ang limang laro bumaba ang Maroons na pinangunah­an ni John Millete na umiskor ng 18-puntos sa markang 1-4, panalo -talo.

Samantala sa ikalawang laro, sinolo ng National University ang ikatlong puwesto makaraang maangkin ang ika-4 na panalo nang pataubin ang dating katablang University of Santo Tomas, 18-25, 25-21, 25-18, 25-18.

Pinamunuan nina Bryan Bagunas at Fauzi Ismail ang nasabing pagbalikwa­s ng Bulldogs at pagwawalis sa second hanggang 4th set.

Nagtala si Bagunas ng 13 hits, isang block at 4 na aces habang umiskor naman si Ismail ng 14 hits at 3 aces para giyahan ang NU sa pag angat sa barahang 4-1.

Dahil sa kabiguan, bumagsak naman ang Tigers sa markang 3-2.

 ?? RIO DELUVIO ?? TAAS ang mga paa nang tumimbuwan­g si Desiree Cheng sa harap ng kasanggang si Tin Tiamzon ng La Salle nang kapwa mabigong ma-saved ang bola pabalik sa Adamson sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP women’s volleyball.
RIO DELUVIO TAAS ang mga paa nang tumimbuwan­g si Desiree Cheng sa harap ng kasanggang si Tin Tiamzon ng La Salle nang kapwa mabigong ma-saved ang bola pabalik sa Adamson sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP women’s volleyball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines