Balita

Wang’s vs JRU sa D-League

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (JCSGO Gym) 2:00 n.h. -- Gamboa Coffee Mix-St. Clare vs. University of Perpetual 4:00 pm. -- Jose Rizal University vs Wang’s Basketball -Letran

UMANGAT sa ika-apat na posisyon kasunod ng Marinerong Pilipino at Zark’s Burger-Lyceum ang tatangkain ng tatlong koponang Wang’s Basketball­Letran, University of Perpetual at Gamboa Coffee Mix-St. Clare sa dalawang laro ngayong hapon sa 2018 PBA-D League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Taglay ng tatlong koponan ang patas na barahang 2-2, dalawang panalo ang pagkakaiwa­n sa Skippers at Jawbreaker­s na may markang 4-2.

Mauunang sumalang sa pambungad na laban ngayong 2:00 ng hapon ang Coffee Lovers at ang Altas bago sumunod ang Couriers na sasagupain naman ang JRU Heavy Bombers sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon.

Mag-uunahang makapagtal­a ng ikatlong panalo ang Coffee Lovers at ang Altas na may magkabalig­tad na kapalaran sa kanilang nakaraang laban, ang una na maghahanga­d makabalik sa winning track kasunod ng kabiguang natamo sa Akari -Adamson noong Pebrero 15 at ang huli na target naman ang ikatlong sunod na panalo matapos ang panalo nila kontra Go for Gold -St. Benilde noong Pebrero 13 at Batangas-EAC noong Pebrero 22.

Sa huling laro, kapwa galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban, parehong magkukumah­og ang Heavy Bombers at ang Couriers na makabalik sa winning track lalo na ang una na nasadlak sa apat na sunod na pagkatalo, pinakahuli sa kamay ng Generals noong Pebrero 19 matapos maipanalo ang una nilang laro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines