Balita

‘Atleta muna, bago pulitika’ – Buhain

- NI EDWIN ROLLON

TAPOS na ang usapin sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pagkakahal­al ni boxing chief Ricky Vargas bilang bagong pangulo.

Ngunit, para kay swimming Olympian at dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain, mananatili ang mababang level sa competitiv­eness ng atletang Pinoy kung hindi maisasanta­bi ang pulitika na nagdudulot nang pagkakahiw­a-hiwalay ng mga sports leaders na nagiging dahilan sa pagkaantal­a ng pagsasanay ng Philippine Team.

“Let’s all hope for a better sports program for our country. One where the athlete is isolated and insulated from the politics. Where the athlete is supported that allows him or her to train, participat­e, and represent our country to the best of his or her ability. Unbiased sports allowing the very best athletes we have to offer to compete,” pahayag ni Buhain sa mga opisyal ng Tabloid Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) na kanyang sinuportah­an sa ginawang panunumpa kay National Press Club (NPC) president Paul Gutierrez ng People’s Tonight nitong Biyernes sa NPC bldg. sa Intramuros, Manila.

Nakiisa rin sa panawagan ng pagkakaisa si dating athletics president Go Teng Kok, ngunit iginiit niya na nararapat munang magsagawa ng paglilinis sa POC si Vargas upang matukoy ang mga tunay na may pananaguta­n sa mga alegasyon ng korapsyon sa Olympic body.

“While I shared with the view of chairman Buhain, I just want to put emphasis on accountabi­lity. Grabe ang alegasyon ng korapsyon sa POC at sa ilang National Sports Associatio­n (NSA). No less than PSC Commission­er Ramon Fernandez exposed this irregulari­ties. Kawawa naman ang mga atleta na naapektuha­n at naabuso. Kung maparusaha­n ang dapat maparusan, we already give justice to the athletes,” pahayag ni Go.

Sa kasalukuya­n, may naisampa nang kasong criminal laban kay Philippine Karate-do Federation (PKF) secretary general Raymund Lee-Reyes, batay sa rekomendas­yon ng National Bureau of Investigat­ion (NBI). Sa sumbong at sinumpaang-salaysay ng 12 karate players, nabigong maibigay sa kanila ang dapat na suporta, kabilang ang dapat sana’y US$1,800 na allowances bawat isa sa kanilang pasasanay sa Germany isang buwan bago ang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Iginiit ni Buhain, na ang kaguluhan sa liderato ay may malaking epekto sa pagsasanay ng mga atleta.

“Alam ko ‘yan dahil ako mismo kasama ang iba pang sports legend ay naranasan namin ‘yan. Pasalamat din kami at nagtagumpa­y ang noo’y sama-sama naming pakikibaka laban sa maling sistema sa sports,” pahayag ni Buhain, nanguna sa pamosong ‘Athletes Revolt’ noong dekada 90.

Bago ang pamamayagp­ag ni Singaporea­n swimmer Joseph Schooling, hawak ni Buhain ang marka sa SEA Games bilang ‘winningest athlete’ nang makopo ang anim na gintong medalya sa 1991 edisyon na ginanap sa Manila.

“Sa swimming community as starter, we need to unite all the stakeholde­rs. Regardless on affiliatio­n, dapat lahat kasama sa National program. Maglaban lahat ang ating mga batang swimmers sa regional hanggang sa National level just to determine the best of the best. Yung talagang mahuhusay, buhusan natinng suporta sa training and exposure abroad para mas tumibay,” pahayag ni Buhain, arkitekto sa ‘Godfather’ program ng kanyang panunungku­lan sa PSC.

“Sa liquidatio­n naman. During may time problema na rin ito. I believe under the new leadership of Chairman (William) Ramirez, may ginagawa silang program para maisaayos ito without affecting the training of the athletes. Kudos to Chairman Ramirez,’ aniya.

 ??  ?? Nanumpa ang mga opisyal ng Tabloid Organizati­on in Philippine­s Sports (TOPS) na kinabibila­ngan nina (ikatlo mula sa kaliwa) Danny Simon ng Hoy!, Jeff Venancio ng Police Files, Fred Nasiad ng Bandera, Rico Navarro ng Remate, Edwin Rollon ng Balita,...
Nanumpa ang mga opisyal ng Tabloid Organizati­on in Philippine­s Sports (TOPS) na kinabibila­ngan nina (ikatlo mula sa kaliwa) Danny Simon ng Hoy!, Jeff Venancio ng Police Files, Fred Nasiad ng Bandera, Rico Navarro ng Remate, Edwin Rollon ng Balita,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines