Balita

3 ‘tulak’ timbog sa hiwalay na buy-bust

- Orly L. Barcala

Tatlong hinihinala­ng tulak ng ilegal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa hiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Noel. D. Ramirez, assistant chief of police operation (ACOPO), ang mga suspek na sina Christophe­r Kenneth Escalante, 40, janitor; Jomarie Lazo, 37, chef, kapwa ng Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon; at Jowel Perola, 28, ng Bgy. Marulas ng nasabing lungsod.

Unang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) ng Valenzuela Police sa Sta. Monica Subdivisio­n sa Bgy. Ugong dakong 6:45 ng gabi.

Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili umano ng droga kay Escalante, kasama si Lazo, na sanhi ng kanilang pagkakaare­sto.

Anim na maliliit na pakete ng hinihinala­ng shabu at buy-bust money ang narekober sa mga suspek.

Bandang 7:45 ng gabi naman nang nadakip ni SPO2 Roberto Santillan si Perola sa Prudencia Street, Bgy. Marulas matapos umano siyang bentahan ng droga.

Narekober umano kay Perola ang limang platic sachet ng hinihinala­ng shabu, limang pirasong P5 barya, at buy-bust money.

Kinasuhan sina Perola at Escalante ng paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) at walang piyansang inirekomen­da para sa kanila, habang paglabag sa Section 11 ng nasabing batas naman ang kinakahara­p ni Lazo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines