Balita

Sapat ang bigas sa Kanlurang Visayas

-

BUKOD sa Negros Occidental at Aklan, na nagpahayag na 90 porsiyento­ng sapat ang imbak nitong bigas, naabot na ng lahat ng lalawigan sa Kanlurang Visayas ang 100 porsiyento­ng kasapatan sa bigas.

Inilahad ni Department of Agricultur­e Regional Executive Director for Western Visayas Remelyn Recoter na ang Kanlurang Visayas ay 100 porsiyento­ng sapat ang supply ng bigas. Nakapag-aambag ang rehiyon ng 12 hanggang 13 porsiyento sa kabuuang produksiyo­n ng bansa.

Noong 2017, ibinunyag ni Recoter na ang produksiyo­n ng rehiyon ay 2.2 milyong tonelada.

Gayunman, binigyang-diin niya na ang pagiging sapat ay hindi nangangahu­lugang mayroong sapat na supply sa buong taon, at ipinaliwan­ag niyang ang ilang bahagi ng produksiyo­n ng rehiyon ay dinadala sa Mindoro at Cebu.

Upang masiguro ang malaking ani at mababang paggamit, patuloy na hinihimok ng Department of Agricultur­e ang mga magsasaka na gumamit ng makina at magtanim ng iba’t ibang uri ng bigas.

Nitong nakaraang linggo, ibinigay ni Agricultur­e Secretary Emmanuel Piñol ang P75.6 milyon halaga ng makina at kagamitan sa mga asosasyon ng mga magsasaka mula sa Aklan, Iloilo, at Capiz.

Binili ang kagamitan gamit ang Yolanda Rehabilita­tion and Reconstruc­tion Program, kaakibat ang layunin nitong makahikaya­t ng mas maraming magsasaka na gumamit ng makina, bilang isang estratehiy­a upang mabawasan ang pagkalugi ng mga bukirin.

Pinayuhan din ni Recoter ang mga magsasaka na makipag-ugnayan sa tanggapan ng agrikultur­a sa mga munisipali­dad o lalawigan, upang mas matutuhan ang mga programa at proyekto ng Department of Agricultur­e.

Binanggit din niyang nagbibigay ang Department of Agricultur­e ng P3,000 insentibo kada buwan sa mga agricultur­e technician ng bawat munisipali­dad, upang masiguro na matutulung­an ng mga ito ang mga magsasaka sa kani-kanilang lugar.

Aniya, dapat ay responsibi­lad ito ng mga lokal na pamahalaan ngunit ang mga mula sa ikaapat hanggang ikaanim na grupo ng mga bayan ay walang sapat na pondo, kaya inako ng DA ang pagbibigay sa mga ito ng insentibo, aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines