Balita

Golden Mind Chess sa Batangas

-

BABANDERA ang future grand masters sa bansa sa pagtulak ng 27th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) sa Linggo sa EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarke­t sa Lipa City, Batangas.

Inaasahan na may 50 manlalaro sa Batangas province ang magtatangk­a sa top prize P3,000 plus trophy habang nakalaan naman sa next nine winners ang tig P1,500, P800, P500, P300 at P200 plus medals ayon sa pagkakasun­od. May nakalaan din sa mananalo sa kategorya bilang Top under 6, under 8 at under 10 na may tig P300 plus medals.

Ayon kay tournament organizer Allan Osena, inaasahan din na mapapalaba­n ang Batangas players sa mga karibal mula sa Quezon, Laguna, Cavite at Rizal province.

Ang one-day Swiss System chessfest ay magtatampo­k sa mga Kiddies 14 years old and under na may 1975 and below NCFP rating as of January 2018.

Ilan sa mga inaasahan na maglalaro ay sina 6-anyos King Alexander Osena at Rafah Kamilla Ramos of Lipa City, Batangas, Jonash Macalalad ng Tanauan City, Batangas, Rain Yasha Mogrogaba ng Batangas province, Criswen Falamig ng San Pablo City, Laguna, Jeremy Marticio ng Binan, Laguna, Precious Nicole Lasin ng San Antonio, Quezon province at Selwyn Alyosha Gaspi ng Tiaong, Quezon province ang mangunguna sa kiddies cast.

Ang tournament registrati­on fee ay P250 sa non-members habang P200 sa members. Mag call o text kay Mr. Allan Osena sa mobile numbers: 0916-7922536 at 0921-250-0251 para sa dagdag detalye.

 ??  ?? KABILANG ang mga batang Luzon sa liyamado sa chess mind tournament.
KABILANG ang mga batang Luzon sa liyamado sa chess mind tournament.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines