Balita

Alcodia, may clinic at simul chess sa Golden Mind

-

MAGSASAGAW­A si National Master Romeo Alcodia ng chess clinic at simultaneo­us chess exhibition sa Marso 18 sa Golden Mind Chess Club, EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarke­t sa Lipa City, Batangas.

“Play against NM ( Romeo) Alcodia and help the Golden Mind chess players to honed their skills at the same time,” sabi ni Golden Mind chess club president Alexandro “Allan” Osena.

Ang San Manuel, Tarlac native na si Alcodia, dating top player ng Rizal Technologi­cal University (RTU) Mandaluyon­g City ay cochampion sa 1999 Grand Asian Chess Challenge sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mula 9:00 ng umaga hanggang 12: 00 ng tanghali ang chess clinic kasunod ng simultaneo­us exhibition, ayon kay Osena.

Kabilang sa mga naunang nagpatala ng paglahok sina King Alexander Osena, Anjella Guno, Marco Guno, Rafah Ramos at Rigil Pahamtang ng Lipa City, Batangas, Jay- R Mindajao ng Rosario, Batangas, Wakeen Suarez ng Tanauan City, Batangas, Rain Yash Mogrogaba ng Ibaan, Batangas, Ian Gabriel Perocho ng Cavite, Selwyn Alyosha Gaspi ng Tiaong Quezon, Jeroniel Perez ng Sariaya, Quezon, Nicole Lasin ng San Antonio, Quezon at Julia Alicante ng Las Pinas City.

Para sa detalye sa chess clinic at simultaneo­us chess exhibition ay mag call o text mobile number sa mga numero 0916-792-2536 at 0921-250-0251.

Samantala, simula na ang pagpapatal­a sa the 27th Golden Mind 14-years-old and below chess tournament ngayun Linggo.

Ating magugunita na ang Cabuyao, Laguna top player Alexandra Sydney Paez, Grade 8 Student ng Colegio De San Juan de Letran-Calamba ay tumapos ng unbeaten matapos niyang talunin lahat niyang katunggali sa 26th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) nitong Pebrero 4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines