Balita

Sereno nagleave pero ‘di magbibitiw

- Chief Justice Sereno Ellson A. Quismorio at Beth Camia

Kinumpirma ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na naka“wellness leave” na ang pinuno ng Supreme Court (SC), pero iginiit na hindi ito magbibitiw sa puwesto kahit pa nahaharap ito sa impeachmen­t proceeding.

Sinabi ni Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsal­ita ni Sereno, na ang partikular na leave ay nakatakda sa Marso ngunit ginamit ito nang mas maaga ng Chief Justice upang makapaghan­da para sa impeachmen­t trial sa Senado.

“Talagang naka-schedule na ‘yun, matagal na. Ina-advance lang niya, matatapos na rin ang February ,” sinabi ni Lacanilao sa mga mamamahaya­g sa sidelines ng Justice Committee 15th at ng huling pagdinig ng Kamara kahapon kaugnay ng pagtukoy sa probable cause ng impeachmen­t complaint laban kay Sereno.

Kumuha ng wellness leave si Sereno isang linggo bago ang inaasahang deklarasyo­n ng probable cause ng House panel, na magbibigay-daan naman sa Senate impeachmen­t trial.

Gayunman, sinabi ng isang source mula sa Korte Suprema na napilitan si Sereno na maghain ng “indefinite leave of absence” simula bukas, Marso 1, kasunod ng mainit na deliberasy­on sa Supreme Court En Banc kahapon.

Nanindigan naman si Lacanilao na walang plano si Sereno na magbitiw kahit mahaharap ito sa paglilitis.

“Definitely [she’s not resigning]. Please keep that away from your mind. She is not going to resign. She is preparing to face this [trial at the Senate]. So dun na rin tayo magkikita ‘pag matapos na dito sa House of Representa­tives, at doon po maririnig n’yo na ang istorya ni Chief Justice Sereno,” ani Lacanilao.

“Naniniwala siya na wala siyang ginawang masama, ang katotohana­n nasa kanya, wala siyang kinomit na impeachabl­e offense kaya wala po siyang balak mag-resign,” dagdag pa niya.

Hindi naman masabi ni Lacanilao kung hanggang kailan ang naturang wellness leave, at iginiit na hindi ito dapat tawaging “indefinite leave”.

“Definitely hindi yun ‘indefinite, dahil babalik si Chief Justice. Until maconvict siya, siya ay Chief Justice ng ating bansa,” diin ni Lacanilao.

Sa tanong ng mga mamamahaya­g kung ano ang ibig sabihin ng wellness leave, sagot ni Lacanilao:

“I don’t know...para sumigabo ulit siguro ‘yung kanyang katawan. At ‘yun naman talagang scheduled na ‘yun. Hindi naman yun bago lang. Dahil lang sa mga nangyayari ngayon, gusto niyang mag-umpisa na para maka-prepare [sa impeachmen­t trial],” paliwanag nito.

Sakaling mapatunaya­ng nagkasala o guilty sa alinmang Articles of Impeachmen­t na isusumite ng mga mambabatas, maaaring matanggal sa puwesto si Sereno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines