Balita

Inambush na broker ‘heartbreak­er’?

- Orly Barcala at Kate Louise B. Javier

Walang bisyo at walang kaaway ang binatang Customs broker na napatay sa ambush ng riding-intandem sa Caloocan City, nitong Lunes ng umaga.

Ito ang pahayag ni Reynaldo Aniceto, 58, ama ni Raymond Aniceto, 25, ng Raja Solaiman Street, Marulas A., Barangay 46 ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Mang Reynaldo sa unang gabi ng burol ni Raymond sa kanilang bahay, walang bisyo ang kanyang anak at hindi nga rin lumalabas ng bahay pagkagalin­g sa trabaho, bukod pa sa hindi nasasangko­t sa away sa kanilang lugar.

“Masakit kasi, mabait na bata ‘yang si Raymond. Tanggap namin kung sa aksidente siya namatay, kaso sa ambush pa,” sabi ni Mang Reynaldo.

Gayunman, tinitingna­n ng pulisya ang anggulong personal na alitan sa krimen dahil kilala umano ang biktima sa pagde-date ng “many girls”.

“We are now digging deeper into the personal aspects. We had informatio­n that the victim was known to date many girls,” sabi ni Caloocan City Police chief Senior Supt. Jemar Modequillo.

Ayon pa sa hepe, nakita mismo ng mga kaanak ni Raymond na isang babae na hindi kilala ng pamilya ang lumabas sa kuwarto ng binata bandang 6:00 ng umaga, isang oras bago ang pamamaslan­g.

“However, we are still looking into work- related angle. We are checking if he had enemies,” sabi ni Senior Supt. Modequillo.

Nitong Lunes, dakong 7:35 ng umaga nang tambangan at bistayin ng bala ng dalawang lalaking magkaangka­s sa motorsiklo ang biktima sa panulukan ng D. Aquino at 3rd at 4th Streets habang sakay sa kanyang Honda Civic (DQ-6324).

Agad binawian ng buhay ang biktima sanhi ng tinamong tama ng bala ng .45 caliber pistol sa leeg, katawan at dibdib.

“Trinato nilang kriminal ang anak ko at tinadtad ng bala. Para sa kagaya ni Raymond hindi dapat ganun ang sinapit,” galit na pahayag ni Mang Reynaldo.

Blangko pa ang awtoridad sa pagkakakil­anlan ng mga suspek na kapwa nakasuot ng helmet.

Samantala, may lead na umano ang pamilya Aniceto sa krimen at nakatakdan­g ipabatid ito sa awtoridad.

“Sa gumawa ng krimen kay Raymond, huwag sana kayong patahimiki­n ng inyong konsensiya,” pagtatapos ni Mang Reynaldo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines