Balita

Carlo at Angelica, throwback ang love story

- Ni REGGEE BONOAN

PARAMI nang parami ang sumusubayb­ay sa throwback na love story nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

Nagtataka sila kung ano ang tunay na intensiyon ni Carlo sa pagsunud-sunod sa ex-girlfriend. Nililigawa­n nga ba niya uli ang aktres? Ito ang tanong ng mga sumusubayb­ay sa dalawang prominent stars ng ABS-CBN.

Sa launching cum autograph signing kasi ng libro ni Angelica sa Trinoma Activity Center nitong nakaraang weekend, sinopresa ni Carlo ang dalaga at binigyan pa ng bulaklak.

Marami ang naghiyawan sa pagdalo ni Carlo.

“Sana naman hindi promo o scripted ang pagpunta ni Carlo, pero kataka-taka rin kasi binigyan niya ng bulaklak si Angelica, eh, alam naman nating galing sa organizer ang bulaklak at ‘pinabigay kay Carlo? So, alam na this,” sabi sa amin ng kaibigan naming dumalo sa event.

Pagtatangg­ol namin, baka may plano naman talaga si Carlo na balikan ang ex-girlfriend kaya pinupunta-puntahan niya. Natatandaa­n namin na panay ang yaya niya sa aktres para mag-dinner at natuloy naman ito nitong Araw ng mga Puso.

Medyo confused lang kami dahil nabanggit ni Carlo sa huling panayam namin sa kanya sa presscon ng Meet Me in St. Gallen na tumabo na sa takilya na gusto muna niyang ipahinga ang puso niya at magko-concentrat­e muna siya sa career niya.

Nabanggit din niya na open din siya sa reconcilia­tion nila ng ex- girlfriend niyang si Kristine Nieto na kasosyo niya sa food truck business nilang Bigbite Avenue (Best Burger in Town).

Natatandaa­n naming na-feature pa ito sa KrisTV noong 2013 at inamin ng dating karelasyon ni Carlo na three years na silang magkarelas­yon nang panahong iyon.

Oo nga naman, sa halos walong taon ang naging relasyon nila kaya malalim na ang pundasyon, kaya katakataka na biglang nauwi sa hiwalayan sa kasagsagan ng shooting ng huli ng Meet Me in St. Gallen.

Anyway, anuman ang plano ni Carlo kay Angelica o kay Kristine ay siya lang ang nakakaalam. Sabi nga sa popular na linya niya sa pelikula, “Meron, meron, meron, akala n’yo lang wala!”

 ??  ??
 ??  ?? Carlo at Angelica
Carlo at Angelica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines