Balita

Sino ang mamamatay kina Tristan, Supremo at Malia sa ‘LLS’?

- –Reggee Reggee Bonoan

NAALIW ako sa kuwentuhan ng mga masugid na sumusubayb­ay sa La Luna Sangre lalo na ang fans ni Richard Gutierrez. Passionate sila kung ano ang kahihinatn­an ng karakter ni Richard bilang Supremo/ Sandrino at kung ano ang gagawin sa kanya nina Tristan ( Daniel Padilla) at Malia ( Kathryn Bernardo).

“Kontrabida nga si Richard, pero sana may redeeming factor sa huli, sana bumalik siya sa pagiging tao. Naghiganti lang naman siya kaya siya naging bampira, di ba? Sana ‘yung gamot na naimbento ni Prof T ( Albert Martinez), tumalab kay Sandrino tulad kay Tristan,” narinig kong sabi.

Hayan, hindi pabor ang loyalistan­g supporters ni Richard na patayin siya sa La Luna Sangre. Pero kadalasan sa mga kontrabida ay y namamatay, di ba?

“Magkapatid naman sina Tristan at Sandrino, di ba?” dagdag pang sabi. “Hindi di ba puwedeng buhay sila pareho?”

Pero papayag ba naman si Malia na mabuhay si Sandrino/Supremo, eh, ito ang pumatay sa mga magulang niyang sina Lia ( Angel Locsin) at Mateo ( John Lloyd Cruz). Siyempre, maghihigan­ti siya.

Kaya abangan ang nalalabing tatlong gabi ng La Luna Sangre kung anong twist ang mangyayari kina Sandrino, Malia at Tristan.

May pahabol, “Si Tristan yata ang mamatay.”

Palaisipan naman kung mamatay si Malia sa LLS dahil sa pagkakatan­da namin sa Lobo ay buhay si Lia at sa Imortal namatay, pero biglang bumalik sa La Luna Sangre sa ibang karakter (Jacintha Magsaysay). Posible kayang ganito rin ang mangyari bilang paghahanda sa susunod na fantaserye tungkol sa mga lobo at bampira sa mga susunod na taon?

 ??  ?? Richard, Kathryn at Daniel
Richard, Kathryn at Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines