Balita

Robredo walang puwesto sa Gabinete —Palasyo

- Argyll Cyrus B. Geducos

Tinanggap ng Malacañang ang pagnanais ni Vice President Leni Robredo na muling makipagtul­ungan kay Pangulong Duterte, ngunit sinabing walang maiaalok kay Robredo na puwesto sa Gabinete sa ngayon. Ito ang naging pahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque nang sabihin ni bise president na hindi niya isinasara ang kanyang pintuan na muling makipagtul­ungan sa Pangulo sakaling alukin siya nito ng panibagong puwesto sa Gabinete. Ayon kay Roque, hindi niya masiguro kung ikinokonsi­dera ni Duterte na muling bigyan ng puwesto si Robredo na dating

Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC) chair.

“Hindi ko po alam na kinukunsid­era siya ng Presidente para sa kahit anong Cabinet position,” sabi ni Roque sa mga mamamahaya­g sa Paniqui, Tarlac nitong Biyernes.

“So to the Vice President, we appreciate her readiness, unfortunat­ely, parang wala naman pong offer ngayon,” dagdag niya.

Matatandaa­ng nagbitiw si Robredo sa kanyang puwesto sa Gabinete noong Disyembre, 2016 matapos niyang makatangga­p ng text message mula kay Cabinet Sec- retary Jun Evasco, na nagsasabin­g lumiban siya sa Cabinet meetings. “Perhaps I will tell the President that I would be very much willing to work with him, I would be very much willing to support what he’s doing. But if there are things that we don’t agree on, kailangan ko talagang sabihin,” pahayag ni Robredo sa isang panayam sa CNN Philippine­s nitong Huwebes.

“Ako (Me) — I’ll be open to it, but you know, it is necessary that we discuss things. If that comes, kailangan siguro pag-usapan muna “dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines