Balita

PH-Indonesia joint border patrol, ikinasa

- Yas D. Ocampo

DAVAO CITY –Kasalukuya­ng nagtatakda ng isang joint border patrol ang maritime security vessels ng Pilipinas kasama ang mga barko ng Indonesia, bilang bahagi ng maritime security program, ayon sa Eastern Mindanao Command (Eastmincom).

Ito ay nakatakdan­g isagawa sa Marso hanggang Abril, habang isinasapin­al pa ang mga petsa.

Sa panayam, sinabi ni Ezra Balagtey, tagapagsal­ita ng Eastmincom, na kabilang sa naval forces ng Pilipinas ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard na magsasagaw­a ng koordinasy­on sa missions upang protektaha­n ang mga hangganan mula sa pamimirata (piracy), terorismo, at rebelyon.

Unang nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapitbahay na bansa sa Asya na umayuda sa internatio­nal task force na mangangala­ga sa kabahaging hangganan, tulad ng Celebes Sea, laban sa mga posibleng banta. Inilunsad ang security missions halos mag-iisang taon matapos ideklara ni Pangulong Duterte sa unang pagkakatao­n ang martial law sa lahat ng mga isla sa Mindanao, kasunod ng pagkubkob ng ISIS-inspired militants sa Marawi City.

Sinakop ng mga terorista ang naturang lungsod sa loob ng anim na buwan, bago nawasak ang siyudad dahil sa ilang buwang bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno ng Pilipinas.

Inamin ni Duterte na ang terorismo ay naging banta sa Pilipinas at nananatili­ng pinag-aaralan kung paano ito dedepensah­an katuwang ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na nakatuon sa giyera sa ilegal na droga simula nang maupo siya sa puwesto noong 2016.

Noong Disyembre 2017, muling idineklara ng Kongreso ang batas militar sa Mindanao ng isa pang taon.

Binigyang-diin ng AFP advisers na ginagamit ng mga terorista ang mga bahagi ng tubig o karagatan, tulad ng mga isla sa Mindanao, bilang back entries upang ipakalat ang terrorist ideologies.

“We will include personnel who are experts in boarding other vessels in the exercise,” sabi ni Balagtey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines