Balita

Ratings ng sitcom ni John Lloyd, consistent na mataas dahil kay Piolo

- Ni REGGEE BONOAN

CONSISTENT na mataas ang ratings ng Home Sweetie Home kaya hindi ito apektado ng absence ni John Lloyd Cruz.

Nakakuha ng mahigit 28% ang show noong nakaraang Sabado, Pebrero 24 na kinunan sa Hong Kong, ang ikalawang imbitasyon sa kanila ng Hong Kong Disneyland.

Anyway, tinanong kami ng mga kakilala naming TFC subscriber­s kung kailan babalik si John Lloyd sa Home Sweetie Home.

Sabi namin, ‘ Only God knows po kung babalik pa dahil mismong ABS- CBN management ay wala ring alam kung ano ang plano ni Lloydie sa showbiz career niya.’

“Hindi nga po nakikipagc­ommunicate. Panay nga ang kumusta namin, hindi nagti-text back,” sabi sa amin nang magtanong kami sa Star Magic.

Ayaw na bang mag-artista ni John Lloyd?

Hindi pa naman siya pinapalita­n sa sitcom, pero malaki ang nagawa ng presence ni Piolo Pascual kaya ang tanong ay kung hanggang kailan doon ang aktor na abala rin sa taping ng upcoming TV series nila nina Arci Munoz, Alessandra de Rossi, JC de Vera at Empoy Marquez under Dreamscape Entertainm­ent.

May narinig naman kami na, “Hanggang kaya po ni Papa P ang schedule niya at available siya ay nasa

Home Sweetie Home po siya.” Kung hindi iiwan ng aktor ang sitcom nila nina Toni Gonzaga na umeere tuwing Sabado at may ASAP pa siya ‘pag Linggo ay pitong araw na siyang mapapanood kapag umere na ang teleserye niya. Hindi kaya siya pagsawaan ng telkeviewe­rs?

Well, Piolo is Piolo, ‘ika nga!

 ??  ?? Piolo at Toni
Piolo at Toni

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines