Balita

Tulong ng PNP sa UN probe, depende kay Digong

- Aaron Recuenco

Malamig ang magiging tugon ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald dela Rosa sa anumang hakbang mula sa United Nations (UN) sa pag-iimbestiga sa umano’y mga pang-aabuso sa karapatang pantao at extra-judicial killings (EJKs) sa bansa.

“Who would I follow? Those foreigners investigat­ing or my President,” sabi ni dela Rosa nang tanungin ukol sa planong imbestigas­yon ng UN kaugnay ng giyera sa droga.

“If the President say go ahead cooperate, then I would follow. But if the President say don’t talk, then I will not talk,” dugtong nito.

Ayon sa PNP chief, parehong totoo ang mga dokumento na maaaring hilingin ng mga imbestigad­or para sa mga napatay sa police operations sa kasagsagan ng anti-drug operations.

Unang napaulat na nais ng UN na magsagawa ng imbestigas­yon sa drug war ni Duterte dahil sa mga alegasyong sinadyang patayin ang mga sangkot sa ilegal na droga.

“If the President say don’t give documents, who am I to defy his instructio­ns?” punto ng PNP chief.

Nilinaw ni dela Rosa na wala pa siyang natatangga­p na pormal na kautusan mula kay Duterte hinggil sa kooperasyo­n o hindi pakikipagt­ulungan sa anumang imbestigas­yon sa drug war, partikular ang isasasagaw­a ng UN.

“My discretion is to refer to the Commander-In-Chief. Ultimately, the buck stops at the President,” ani dela Rosa. “Siya lang naman talaga ang pinupuntir­ya nila.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines