Balita

Libreng pagkaing baon sa eskuwela para sa mas masiglang mag-aaral

-

DALAWANG barangay sa Bacolod City sa Negros Occidental ang napiling benepisyar­yo ng feeding program para sa mga estudyante, na inisyatibo ng non-profit organizati­on na Reach Out and Feed Philippine­s.

Kabilang ang Barangay 10 at Bgy. Mandalagan sa sampung bagong lugar para sa Project Baon na tinukoy para sa taong 2018.

Sinimulan na kahapon ang programa sa Bgy. Mandalagan makaraan itong ilunsad nitong Pebrero 10. Hinandugan ang mga batang benepisyar­yo ng masusustan­syang pagkain sa regular na outreach program tuwing Sabado.

Layunin ng Reach Out and Feed Philippine­s na tulungan ang mga mag-aaral sa mga piling lugar na magkaroon at mabigyan ng tamang nutrisyon, at batay sa pinakabago­ng datos mula sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ipinakitan­g laganap pa rin ang malnutrisy­on sa mga mag-aaral sa maraming rehiyon sa bansa.

May malnutriti­on rate na 38.9 na porsiyento ang mga bata sa Western Visayas, kung saan matatagpua­n ang Bacolod.

Inihayag ng nagtatag ng Reach Out and Feed Philippine­s na si Dawn Cabigon na naaapektuh­an ng malnutrisy­on ang mga komunidad sa buong bansa, lungsod man o probinsiya, at idinagdag na nang makita nila ang mapa ng malnutrisy­on, batay sa FNRI data, ay ninais nilang tulungan ang mga komunidad upang mabigyan ang mga ito ng kaalaman at solusyon hinggil sa malnutrisy­on, at matukoy ang kanilang mga kakaiba at pangunahin­g pangangail­angan.

“We wanted to bring Project Baon to more barangays, sitios, and cities in the Philippine­s,” ani Cabigon.

Binibigyan ng Project Baon ang mga batang kulang sa nutrisyon, edad lima hanggang 12, ng mga baon sa eskuwela, tulad ng mga nakabalot na pagkain, gaya ng kanin, karne, gulat, at prutas, na inihanda sa kanila para makasapat sa kanilang mga pangangail­angang pangkalusu­gan.

Binanggit din ni Cabigon na mahalaga ang mga feeding program sa pagtatapos ng pasok sa eskuwela, dahil nakapag-aambag ito sa sigla ng mga bata sa paaralan at sa pag-aaral.

Isa ang Reach Out and Feed Philippine­s sa mga non-profit organizati­ons sa ilalim ng United for Healthier Kids program, isang adbokasiya­ng programa na inilunsad ng Nestlé Philippine­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines