Balita

Ligtas na Mahal na Araw tiniyak ng AFP

- Fer Taboy

Inihayag kahapon ng Armed Forces of the Philippine­s ( AFP) na mahigpit nilang ipatutupad, katuwang ang Philippine National Police (PNP), ang seguridad laban sa teroristan­g grupo sa bansa sa darating na Mahal na Araw.

Kinumpirma ito ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner kasunod ng utos ng PNP na magsagawa ng beripikasy­on sa tuluyang pagpasok ng 40 dayuhang terorista mula sa Indonesia patungong Mindanao.

Aniya, nakararati­ng din sa kanila ang impormasyo­n ngunit nasa validation process pa ang kanilang intelligen­ce community hinggil sa nasabing report.

Ayon pa kay Brawner, muling nagpalakas ang natitirang MauteISIS sa Lanao sanhi ng serye ng engkuwentr­o nitong Enero hanggang Pebrero.

Batay sa police intelligen­ce informatio­n, nagpanggap na mangingisd­a ang 40 foreign terrorist kaya malayang nakapasok sa Mindanao at sa liblib na mga probinsiya.

Target umano ng ISIS inspired terrorists ang mga siyudad sa Luzon, Visayas at mismong sa Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines