Balita

Nangikil kapalit ng sex video kalaboso

- Orly L. Barcala

Nauwi sa paghihimas ng rehas ang umano’y pangingiki­l ng isang driver sa nakarelasy­ong negosyante sa entrapment operation sa Malabon City, nitong Lunes ng hapon.

Sinampahan ng robbery extortion si Norman Viola, 52, ng No. 196 Sanciangco Street, Barangay Catmon ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang Marleen, 47, ng Napocor Village, Tandang Sora, Quezon City, dati niyang karelasyon ang suspek at kanyang hiniwalaya­n nang malaman na mayroon na itong pamilya.

Nitong Lunes ng umaga, tumawag umano sa kanya si Viola at humihingi ng P5,000 kapalit ng SD card na sinasabing naglalaman ng kanilang sex video.

Nagbanta umano ang suspek na ia- upload ang kanilang sex video sa social media kapag hindi nagbigay ng pera ang negosyante.

Nagpasya naman si Flore na humingi ng tulong sa Malabon City Police at ikinasa ang entrapment operation sa isang restaurant sa M. H. Del Pilar, Bgy. Tugatog, bandang 3:00 ng hapon.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin sa aktong tinatangga­p ang P5,000 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines