Balita

2 drug suspect utas sa buy-bust

- Mary Ann Santiago

Kamatayan ang sinapit ng dalawang lalaking hinihinala­ng tulak ng ilegal na droga matapos manlaban sa mga pulis sa buybust operation sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Amante Daro, station commander ng Manila Police District ( MPD)Station 11, ang mga suspek na sina alyas “Resty/ Mac- mac”, na inilarawan­g nasa edad 35-40, malaki ang pangangata­wan at may mga tattoo sa balikat; at alyas “Jomar”, na nasa edad 20- 25, maliit ang pangangata­wan, may mga tattoo sa dibdib at kaliwang balikat.

Base sa ulat, nagsagawa ng buy- bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Team ( SDET) ng MPD-Station 11 sa Delpan Street, malapit sa Missionary of Charity, Alay Puso Charity sa Binondo, dakong 1:15 ng madaling araw.

Unang nakatangga­p ng ulat ang pulisya kaugnay ng ilegal na aktibidad ng mga suspek at isinagawa ang operasyon.

Nagsilbing poseur buyer si PO1 Mark Laurence Legaspi at bumili ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek sa lugar.

Kaagad sumignal ang back-up na pulis, si PO1 Arvin Gomez, na tapos na ang transaksiy­on ngunit nahalata ito ni Jomar at bumunot ng baril at binaril si Gomez na masuwerten­g hindi tinamaan.

Dahil, dito napilitang gumanti ang mga pulis at tuluyang bumulagta ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang dalawang caliber .38 revolver na kargado ng mga bala; wallet na naglalaman ng apat na pakete ng hinihinala­ng shabu; drug parapherna­lia at P500 buy-bust money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines