Balita

MMDA inulan ng mura at kantiyaw mula sa netizen

- Dave M. Veridiano, E.E.

KUNG nakamamata­y lamang ang pagmumura at pagtuligsa, marahil ay pinaglalam­ayan na ngayon ang mga operatiba ng Sidewalk Clearing Operations Group ( SCOG) ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na nambugbog ng isang buko vendor, sa Pasay City noong nakaraang Biyernes.

Ilang oras lamang kasi matapos na mai-post sa social media account ng isang netizen, na nasa lugar habang nagaganap ang “bugbugan blues” ay umani agad ito ng mga pagmumura, maaanghang na salita at pagkutya na lumatay sa buong organisasy­on ng MMDA – dahilan para agad na umaksiyon ang pamunuan ng kontrobers­yal na ahensiya at dagling sinuspinde ang tatlong nambugbog na operatiba nila.

Katunayan, isa ako sa libu-libong nakapagmur­a matapos mapanood ang video nang pambubugbo­g ng tatlong operatiba ng SCOG, sa walang kalabanlab­ang magbubuko na si Romnick Relos – na ang tanging naging kasalanan ay ang pagtitinda niya sa ilalim ng Evangelist­a Footbridge na mahigpit namang ipinagbaba­wal ng MMDA.

Alam ko kasi ang nararamdam­an ng isang vendor na inaaresto, itinataboy at kinukumpis­kahan ng paninda ng mga awtoridad, dahil naranasan ko ito noong ako ay nasa elementary­a pa lamang at nagtitinda ng mga laruan sa paligid ng Blumentrit­t Market sa Sta Cruz, Maynila. Kapag nagkahulih­an at nagkatabuy­an, ang agad na namamayani sa damdamin ng vendor, ay wala siyang kikitain sa araw na iyon, malulugi at walang maiuuwing pera sa pamilya. Ang pinakamala­la pa rito – kung inutang lang sa Bumbay na 5 / 6 ang puhunan, purnada ang capital at may utang pa rin!

Mas matindi ang stress sa vendor na may kariton. Kulang ang P5,000 para makagawa ng kariton – ang apat na gulong lang kasi nito ay P3,000 ang halaga, eh ‘yung paninda pa? Ang sumbong sa akin ng ilang nabatakan -- na pinagkakak­itaan ng ilang tiwaling operatiba ng MMDA at vendor squad ng presinto, ang mga kumpiskado­ng kariton. Sunugin man daw kasi ng mga ito ang kahoy ng kariton, yung apat na gulong pwede pang maitabi at maibenta!

Aminado ang mga taga-MMDA na bagaman lumabag si Relos sa kanilang kautusan - pagtitinda sa mataong bangketa at kalsada -- ay mali pa rin ang paraan nang pagpapaali­s ng mga tauhan ng SCOG sa kaniya. “Hindi ko binibigyan ng katuwiran dito iyong action ng tao namin,” ani MMDA officerin-charge General Manager Jojo Garcia.

Anang MMDA, ‘di naman sila nagkukulan­g sa paalala sa mga vendor na bawal ang pagtitinda sa kalsada dahil sagabal ito sa trapiko: “Kung lahat ng naghahanap­buhay pagbibigya­n natin, ano na ang mangyayari sa mga lansangan natin?” ani Garcia.

Ang maanghang na reaksyon ng ilang netizen: “Kapag hindi pinarusaha­n ng MMDA ang mga yan, maraming tao ang magagalit sa MMDA. Hindi makatao ang ginawa nila lalo yung isa diyan sa likuran na nanuntok. Hoy demonyo ka ba?”

Ito pa ang isa: “Mga walanghiya ‘yang mga tauhan n’yo. Mahiya naman kayo! Kapwa n’yo Filipino ‘yan tao na naghanap buhay. Pwede naman sabihan na bawal or lumipat ng ibang lugar or pwesto. Mga gago kayo. Kayo ang mga Asong ulol!”

Pinag- aaralan na ngayon ng pamunuan ng MMDA ang nakuha nilang video footage sa CCTV ng barangay: “May version din kasi ‘yung mga personnel from sidewalk clearing operations group na ‘yung buko vendor ay may hawak na yelo, tinatakot silang babatuhin, napapalibu­tan din sila ng mga vendors, and at the same time, masyado na ring arogante and violent ‘yung nasabing buko vendor. The reason kung bakit uminit ‘yung sitwasyon, nagkaroon ng komosyon du’n sa area,” paliwanang naman sa media ng tagapagsal­ita ng MMDA na si Celine Pialago.

Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines